"Okay sige! Mag ingat kayong dalawa ha? At kapag naayos na ang kotse mo ay bumalik din kayo kaagad. Tama yung sinabi ng bakla mong kaibigan, hindi tayo dapat na magpakampante doon kay Hector." "Pa sasama ba kayo sa amin sa Tagaytay?" pag singit ni Sean. "Hindi na," sagot ni tita. "Kayo kayo na lang ang umalis, sumasakit na kase ang kasu kasuhan ko kaya sa bahay lamang ako." Nang dahil sa sinabi niyang ito ay naalala ko tuloy ang narinig ko kanina kay tito. "Tita, pwedeng pwede po kayong mag stay doon sa condo namin or if you want po, I can purchase a house na apat po tayong titira." "Wag mo na yan gawin iha!" sambit ni tito, "Mag live in na kayo nitong si Sean kung ayaw niyo pang magpakasal. Mas maganda kapag kayong dalawa muna, mahirap kapag may isang tao sa bahay. At tsaka ang da

