CHAPTER 153-2

858 Words

Hinawakan ko si Sean at nagpunta kami sa harapan ni Gelo. Nang tumingin siya sa amin ay napangitin itong bigla. "Huy, Ma'am Ava? Nabalitaan ko lang na kakalabas niyo kanina. Mabuti at maayos na ang pakiramdam niyo!" sambit niya. "Maraming salamat sayo, Gelo! Heto maayos na rin ako kahit papaano although need ng rest. Salamat sa inyong lahat na nag asikaso sa akin nitong mga nakaraang araw. Pero si Doc Andrew sana ang sadya ko rito, nasaan ba ha?" "Ay wait po... nasa emergency room kasi siya kanina. Titingnan ko po muna siya doon." Tatayo pa lang sana siya ng makita namin na naglalakad si Doc Andrew. May hawak pa nga siyang kape sa kanyang kamay at suot ang magandang ngiti sa kanyang labi. "Oh kamusta ang kaso?" tanong niya. Hawak hawak ko pa rin si Sean ng lumapit kami sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD