SEAN POV Lasing na lasing na ako. Si Ava, heto, imbes na uminom kasama ko ay pumapapak ng chichirya at abala sa cellphone niya. Panay pa nga ang tawa niya habang nakatingin sa cellphone. Tuwang tuwa siya sa pinapanood niyang palabas at ako naman, nakatitig sa kanya at masayang masaya ako na nakikita ko siyang ganito. Ang sarap sa pakiramdam na nagiging maayos na ang lahat. Ngayon ko masasabi na talagang panahon na para maikasal kami. Marahil ay may responsibilidad pa ako sa mga magulang ko ngunit malaki na ang magiging sahod ko kaya makakatulong pa din ako sa kanila. Mag aasawa lang naman ako. I will never forget my obligations to them. Ang sarap makita ni Ava na nakangiti, masarap din sana kung makakapatong siya sa akin ngunit masyado pa akong pagod at walang lakas. Masakit kapag tu

