SEAN POV Inabot kami ng mahigit dalawang oras sa aming biyahe. Para na nga akong sasabog sa galit. Nakaka inis yung daloy ng traffic na usad pagod. Nag bayad ako ng five hundred sa taxi driver at ginising ko na si Chelsey. "Gising na, nandito na tayo hehe!" Sa isang sabi ko pa lang ay nagising na kaagad si Chelsey. Ngumiti pa nga siya sa akin at tila ay ang sarap ng pagkaka himbing ng tulog. "Sorry ha? Pagod kasi talaga ako eh, 11 pm na ako nakatulog kagabi. Ilang oras pala ang inabot ng biyahe natin ha? Kanina kasi ang bagay ng daloy ng traffic eh." "Inabot na tayo ilang oras. Mabagal ang daloy ng traffic, usad pagong kaya naiinis ako." Naglaro ang ngisi sa kanyang labi, "Hahaha! Hindi ka pa ba nasanay dito sa Pilipinas eh kahit na sinong leader pa ang mamuno sa atin ay wala nang pa

