Kinikilig ako sa panunukso ko sa kanya. Kung may lalaki man ako na masasabing pwede kong ireto dito sa kaibigan ko, wala yung iba kung di Doc Andrew. Naniniwala ako na sila talaga ang bagay para sa isa't isa. Maganda siya at gwapo din si Doc, they are really meant for each other. "Sis, actually gwapo naman si Doc Andrew but I am sorry to say that he is not my type. Siguro masyado lang din akong na stars truck sa kanya when I first met him but sad to say, ayaw ko sa kanya. So sana ay wag mo na kaming tuksuing dalawa. Pakisabihan na rin si Garry, ang hirap ng ganito eh. Sorry ha? Hindi naman ako galit, nagpapaliwanag lang din. Sana ay maintindihan mo," sambit niya sabay ngiti. Wala akong problema rito pero biglang namula ang kanyang pisngi ngayon kaya nagkaroon tuloy ako bigla ng pagdudu

