AVA POV "Nako Ava, sana ikaw naman ang mag dilang anghel ngayon. Need na need ko ang pagkakaroon ng malaking pera. As an adult, masasabi kong totoo ang sinasabi nila na kapag nasa ganitong edad na ay nagiging mukha nang pera. Pero wag mong isipin na pumapasok ako dito para sa sahod ha. Kita mo naman siguro na masipag akong mag trabaho." Natulala ako sa kanya, sa tindi ng pag iisip ko sa nangyari kanina ay naging lutang na ako. "Anong nangyari sa iyo ha? Bakit wala ka yata sa sarili mo Ava? You okay?" Nanatili akong nakatulala sa kanya at hindi ko alam kung paano ako sasagot sa mga sinasabi niya. "Sige ka! Bubuhusan kita ng mainit na kape kapag hindi mo ako pinansin." Dito na ako nahimasmasan at ngumisi ako sa kanya, "Sorry na beks! Medyo lutang ako dala ng puyat. Overworked kasi a

