AVA POV "Boss! Mukhang ayaw makipag usap sayo ng alaga mo ha! Siguro ay nag aalala siya sa boyfriend niya. Hayaan mo, ako ang bahala sa babaeng ito at titiyakin ko sayo na mamayang dumalaw ka ay nasa maayos siyang kalagayan. Pinapakain ko na nga para magkaroon ng laman kahit papaaano, eh kaunti na lang ay magiging buto't balat na ang babaeng ito!" Hindi na ako interesado na makinig sa kanila. Matapos akong pakainin ng lalaking ito ay dinala niya ako sa isang kwarto. Ang akala ko ay dito niya ako ikukulong ng lalaking ito ngunit sa loob ng cr niya ako ikinulong. Malaki ang cr dito sa loob at may isang bintana na malapit sa toilet. Natatanaw ko ang tirik na araw sa labas pero papakiramdaman ko muna sa kwarto kung nandito pa sila ng gf niya. I really don't want to be here anymore, I want

