AVA POV Ang kapal ng mukha ng niya! Nakakainis ang ngiti niya, umalis na siya sa harapan ko at nagbihis. Paglabas niya ay naiwan kaming dalawa ng kumag na ito na nagbabantay sa akin. Nilabas niya ang kanyang dila at tinakpan ko ng kumot ang aking hubad na katawan. "Oh ano ha? Anong tinitingin tingin mo?" "Tototo nga ang sinasabi ni boss na matapang kang babae! Kaya ka nga nabugbog eh, sa susunod kasi, mas piliin mong maging duwag upang walang maging pasa ang pagmumukha mo. Tingnan mo ang sarili mo, magandang babae ka sana ngunit puno ka ng pasa. May mga bungi ka pa, nakakawalang gana ka tuloy halikan. Malilibugan na dapat ako sayo pero hindi ko nais na pumatol sa babaeng ganyan na ang hitsura." Bumungisngis ako, "Really ha!? Hiyang hiya naman ako! Sayo pa talaga ito nanggaling ha! As

