AVA POV Kinabukasan, tulalang tulala ako sa office ng ng demonyo kong tatay na sobra ang ginawang pambababoy sa akin kagabi. Wala akong ganang mag kape. Wala akong ganang mag suklay ng buhok ko at walang ganang kumain kanina. Nakakatrauma ang ganitong klase ng pangyayari. Hindi pa rin ako lubos na makapaniwalang magagawa akong babuyin ng sarili kong ama. Ang taong tinuring ko na gagagabay sa buhay ko pero kabaliktaran nito ang nangyari. I don't even want to work. All I want is to cry which is something I cannot do right now. Nasa office ako at the moment na may makapansin na umiiyak ako, magiging chismis pa ito sa lahat ng mga employees at baka makarating pa ito sa demonyo kong stepdad. Napakamot ako sa leeg ko, grabe yung pang gigigil na ginawa niya sa akin kagabi. Namula ang leeg ko

