AVA POV "Naks! Sige kakain-" Bago pa man niya matapos ang kanyang pagsasalita ay napahawak na siya sa kanyang bibig at namumula pa siya. "Are you okay girl?" I asked. "Excuse me!" sambit niya and then mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay. Hahayaan ko na sana siya pero labis akong nababahala sa kanyang kalagayan kaya sumunod ako sa kanya. Nag punta siya sa cr at dito ay nag suka siya. So napatananong ako because the last time na naalala kong nag suka siya is when she drank. "Ano bakit ka uminom? Sabi ko sayo, maselan ang tiyan mo sa alak. Wag ka na kasing uminom girl, Nako buti at naka abot ka rito sa loob ng bahay ko!" "Anong pinag sasabi mo ha? Galing ako sa office so bakit ako iinom ha?" tanong niya pa. "Sige na iwan mo muna ako. I will be fine here, lalabas ako mamaya once

