AVA POV Pag alis ni Ma'am Anna ay nag tinginan kami ni Sean. Sa totoo nga lang ay naaawa rin ako sa kanya ngayon kasi nga ay nadamay lamang siya sa lahat ng mga nangyayari. Umawat siya and then this s**t happened. I am so sure na kakalat ang balitang ito sa lahat ng mga empleyado namin dito at magiging talk of the town pa. Ayaw ko yun mangyari at sana ay matabunan kaagad ang issue na ito ng iba pang mga issues. "So," sambit ko, "Kamusta ka babe ha?" Pinilit niyang ngumiti sa akin na para bang balewala lamang sa kanya ang mga nangyari. Siguro nga ay ayaw niyang mag isip ako or mag alala sa kanya. "Of course I am pero totoo nga siguro ang sinasabi nila na kung sino pa ang umaawat ay sila pa ang mas napupuruhan hehe!" Kahit na pabiro niya pa itong sinabi ay alam kong masakit pa rin

