CHELSEY POV Naiinis ako dito kay Garry kasi talagang ayaw na niyang mag patalo. Bakla talaga siya ng taon, akala niya siguro ay palalampasin ko ang mga ginawa niya. Nahihiya nga ako kay Ava na makipag bardugalan sa kanya dito sa loob pero kasi, ako rin talaga yung babae na palaban at hindi marunong umatras sa mga ganitong klase ng away. If bastos siya ay mas bastos ako sa kanya. If matapang siya, I will make sure na mas matapang ako. Kanina pa nga kami hindi nagkikibuang dalawa. Sabi sabi pa siya na wala siyang hinanakit pero ang dami niyang mga sumbat sa akin kanina. Nakaka inis, dumagdag pa nga ang tita ko ngayon na galit na galit din sa akin kasi nga hindi ako sumipot sa aming reunion na galit na galit. I don't know what to do now, she is not going to stop until magkita kami. If

