SEAN POV "Salamat Chelsey, ang ganda mo pala ngayon. Halatang nagpa facial ka, ang dami mo sigurong nakuhang backpay sa tagal mo sa company niyo?" "Hahahaha! Patawa ito! Sadyang marami lang din akong ipon kaya nga nai treat na kita. At bago mo pa sabihin, wag mo nang bayaran ang inutang mo dati noong nag away kayo ni Ava nang hindi ka nakapag reply sa kanya. I can still remember that time, ang sweet kaya ng moment na yon. How about you? Naalala mo pa rin ba ito?" Bahagya akong kinilig sapagkat naaalala ko din itong lahat. Kung paano ko sinuyo ang girlfriend ko at paano kami naging ayos. Saksi din si Chelsey sa lahat ng ito kaya ang sarap gunitain ng mga pangyayari. "Kita mo na! Hitsura mo Sean ha? Even if you don't answer me, litaw na litaw ang kilig na nararamdaman ko. There is nothi

