SEAN POV Halos maligo ako nh pawis ng pulutin niya ang mga pera sa sahig. Sa isang lingon ng lalaking ito sa akin, katapusan ko na. Ang dami pa ng nahulog na pera. Malamang ay kumukupit siya sa amo niya. Parehas lang silang dalawa na masasamang tao. Nang lumabas siya ay pinikit ko ang mga mata ko at nilagay ko ang tenga ko sa sahig upang mas marinig ko ang mga yapak ng papa niya. Narinig ko na nag bukas ang pintuan sa kabilang kwarto kaya umalis na ako sa ilalim ng kama. Naubo ako pero tinakpan ko ang bibig ko upang hindi ako marinig sa labas. Nakita usyoso muna ako sa cabinet kung saan marami akong nakitang pera. Grabe, alam kong mayaman na tao si Tito Hector pero hindi sumagi sa isipan ko na meron siyang ganito karaming pera na tinatabi sa bahay. Napatanong pa nga ako sa saril

