CHAPTER 47

1018 Words

AVA POV "Oh siya sige na at ipagpatuloy na natin ang pag uusap natin sa loob ng sasakyan ko. Traffic ngayon pa north at dapat na bilisan na natin. Ang usapan namin noong may ari ng resort ay 7 pm to 3 pm tayo bukas dahil sa may lakad pa itong si Garry!" Binuksan ko ang sasakyan ko at ipinasok na nami ang mga dala namin. Malaki ang sasakyan ko at malaki ang space sa likod. Doon namin nilagay ang lahat ng mga dala naming pagkain. Subalit nagulat ako nang muling tumabi si Sean kay Chelsey sa likod. "Babe dito ako ulit sa likod ha? Sawa na kasi ako sa lamig ng aircon eh!" sambit niya, dikit na dikit pa siya kay Chelsey kahit na ang luwag pa ng space. Umubo pa siya pagkatapos niyang magsalita kaya wala na akong nagawa pa. Si Garry ang naupo sa unahan. Nag seat belt kaming dalawa ng sabay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD