CHELSEY POV Akala ko ay magiging masarap na ang tulog ko ngunit hindi ako pinatulog ng responsibilidad ko sa pamilya ko. Sabagay, sanay na rin naman ako sa puyatan kaya ano pa ang bago. Isang oras na tulog ko sa kwarto ko at binulabog kaagad ako ng katok ng papa ko kanina. Late daw darating ang kapatid kong si Rowena na galing sa trabaho kaya ako muna ang magbabantay sa mama ko since linggo na ngayon at wala akong pasok. Sinabi pa nga niya na masakit ang ulo niya pero ang totoo ay nasa sofa siya, ang sarap ng buhay na lumaklak ng beer habang nakataas ang mga paa sa lamesa at nanonood ng boxing. Ako pa nga ang nagluto ng pulutan niya kanina. Dinig na dinig pa dito ang malakas na tv niya, sigaw siya ng sigaw sa boxing na pinapanood niya pero ang totoo ay replay naman ito at ilang beses

