CHELSEY POV Kahit na ilang beses kong sabihin sa sarili ko na irespeto ang relasyon nila Sean at Ava subalit ang hirap pigilan ng tukso. Sa araw araw na magkasama kami ni Sean, I cannot help but fall in love with him even more. I know it's so stupid of me to be like this considering na nasa kapahamakan pa si Ava. Noon, akala ko ay hindi pasok itong si Sean sa standard ko. He does not have all the characteristics of a man na type ko. As a matter of fact, he is so far from it. Ngunit siguro ay sadyang mapaglaro ang tadhana at ang hirap pigilan ng tukso. Bagamat iniisip ko na mahalaga ang friendship namin ni Ava, somehow, naiisip ko kung gaano siya kaswerte na nasa kanya na ang lahat. Ako, I need to work to provide for my family pero siya, sa isang sabi niya lang ay magkakaroon na siya n

