Chapter One

2305 Words
Chapter One: Ci, Insieme Alas deis na ng umaga nung magising ako. Nag inat inat muna ako bago tuluyang bumaba sa kama ko. I fixed my bed first saka pumasok ng banyo para mag hilamos at mag mugmog. Bumaba ako para pumuntang kusina. I'm hungry as heck kaya dali dali akong pumasok ng kusina. Kumuha muna ako ng fresh milk sa ref saka nilagok iyon. Pumasok naman si Nanay Emi sa kusina. Ang Cook namin. "Nanay Emi, si Màma po?" tanong ko sa kanya. "Umalis na kanina pa Hija". Sagot nya naman sa akin. "Anong gusto mong agahan nak?" Nak ang minsan tawag sa akin ni Nanay Emi. Siguro dahil simula nung pinanganak ako ay dito na sya nagtatrabaho. Sanay nanaman din ako at ok lang sakina yun. "Kahit ano nalang po na lulutuin mo Nay, lahat naman masarap eh. Saka sabay na lunch ko na yan." Nakangiti kung sagot sa kanya. "Kaw talagang bata ka ang bolera mo." natatawang sambit nya nalang. -- Pagkatapos kung kumain ay tumaas na ako. Naghanda na ako dahil may lakad kami ngayun. Nag toothbrush saka naligo na ako. Mga alas doce na nung matapos ako. Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Nanay Elda na naglilinis sa may sala. Ang yaya ko. "Nay alis muna ako". Nakangiti kong paalam sa kanya. "Saan lakad mo nak?". Tanong naman nya sa akin habang nag lilinis pa rin. "Sa may mall lang nay, bibili lang ng gamit para pasukan". Balik kong sagot sa kanya. "Oh sigi, mag ingat ka sa pagmaneho" ngumiti muna ako sa kanya saka tuluyang lumabas ng bahay saka pumuntang garahe ko. Oo garahe KO talaga. Andun lahat ng mga collection ko, from cars to motorbikes. Pinili ko ang McLaren 570s sports car ko kasi ambilit tumakbo nito. Sa lahat lahat ito ang paborito ko lalo na't may car racing, kasi nga diba mabilis. Pinaharurot ko ang kotse ko para madaling makarating sa pinag uusapang lugar para dun mag kita kita. Pinark ko kaagad ang kotse ko sa private parking lot namin. Yes, namin, dahil isa sa amin ang nag mamay ari nitong mall so expected na may parking lot kami. Pumunta na akong National Bookstore based sa lugar kung saan kami bibili ng gamit namin. Nasa malayo palang ako ay kitang kita ko na ang naka busangot na mukha ni Mikko. Sino ba ang hindi bubusangot eh sya palang isa ang nandun. "Ba't ang tagal nila?" pambungad ko sa kanya sabay upo sa tabi nya. "Wow ha, wala bang Good afternoon GORGEOUS jan?" sarkastikong pagkasabi nya at diniin pa ang salitang GORGEOUS. Eh upakan ko kaya to kung maka Gorgeous pa kaya sya. Sinamaan ko nalang sya ng tingin kaya nag peace sign nalang sya saakin. Ngumuso naman sya kaya sinundan ko iyon ng tingin. Aba kong makalakad ang mga bruha kala mo may Fashion show na nagaganap. Expected sa patay gutom sa grupo, nakita kong may subo subong siopao si Nickie. The Heck? Nag lunch ba ang isang to? Si Miya na may iritadong mukha. Si Chen na ngiti ngiti na akala mo nanalo sa Lotto. Tsk mas lalong sumingkit ang singkit nyang mata. Si Sakura na palinga linga. Alam ko ang ginagawa nyang iyan. At huli si Natasha naman na may kalmadong mukha. Nasa harapan ko na sila ng maubos ni Nickie ang Siopao. Tinarayan naman sila ni Mikko kesyo bat daw ang tatagal at ang babagal mag lakad. Pasigaw naman na sinagot ni Natasha si Mikko. Kaya parang nag tatalo na sila silang dalawa. Tsk Isip bata. "Ba't na kasi ang babagal nyo? "Aba ewan jan kay Nickie, kung maka kain kala mo ginutom ng isang taon" "Eh, bat ako?" "Hala tanong mo kay Chen baka masagot nya" napairap nalang ako sa kanila. Di parin sila tapos ng pumasok na ako. Wala akong gana makipagtalo sa kanila. Siguro alam na nila ang pakay nila rito at sila na ang mamimili sa mga gamit nila para bukas. Tingnan mo nga, pinagtitigan na sila ng mga tao. Mga walang hiya. Seninyasan ko naman si Miya na pumasok na at sumunod naman sya. "Any update?" pambungad ko sa kanya ng nasa tabi ko na sya. "Well, tayo ang sinisisi nila kung bakit namatay si Stalwart. Kaya pinatawag na sana tayo para sa parusa pero senendan ko sila ng CCTV footage sa nangyari kaya naman na dismissed." Mahabang paliwanag niya. As expected to her. Siya kasi ang mapagkakatiwalaan mo sa mga ganung bagay. "Bueno. Alam mo ba kung bakit andito tayo ngayun?" I asked while picking some notebook for me. Naka buntot naman sya sa akin dahil namimili rin sya ng notebook. "Oo naman, Papà explained to me everything this morning." sagot naman nya kaya napatango nalang ako. "Saka gusto ko narin ito." Pagpapatuloy nya. Nasa may ballpen na kami ng naglakad na papasok yung mga walang hiya. "Andaya nyo, ba't di nyo kami tinawag?" parang batang maktol ni Chen. I sighed in frustration and Miya rolled her eyes. "Balak nyo pa kasing pagbukasin ang pagtatalo nyo, kahiya naman kung pipigilan ko kayo. Saka aliw na aliw ang mga tao kaya akala nila nag dadrama kayo para manglimos. Di nyo ba kita iyong barya sa upuan?" mahabang sagot ko sakanila at napaiwas ng tingin ang iba, si Chen naman napanguso. Parang pato lang. "O sya dalian nyo jan at maghintay nalang ako sa HQ natin. Be there in less than an hour. And oh no more talk or else walang ice cream mamaya." Nagliwanag naman ang mga mukha nila lalo na kay Nickie. Napalining nalang ako, basta talaga libre ang titino nila. Masayang nagpaalam naman sila kaya umalis nako dun at dumiretsong Counter para barayan lahat ng pinamili ko. Pinag utos ko nalang kay Miya yung Ice cream at ako naman ang bumitbit ng mga gamit nya. Dinala ko na iyon sa HQ namin kasi dun din naman ang punta nya. Nilapag ko lahat ng pinamili ko sa Couch at dumiretso sa kwarto ko para matulog. Well lahat kami meron kasi incase na gusto naming mag pahinga at pwede dito. Malapit lang ito sa skwelahan namin kaya may sekretong daan ito konektado sa Private Parking lot sa Skwelahan. Ako mismo ang nag paggawa dun para di hassle sa amin kung mag madali kami. --- Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Mukhang andito na silang lahat. Naghilamos muna ako saka inayos ang nagusot kung damit. Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko silang lahat sa may sala. May naka upo sa carpeted floor, sa couch at nanonood ng Mortal Instrument: City of Bones. May kumakain ng chichirya, popcorn at may umiinom din ng beer. Pinatay ko ang pinanood nila. May nag reklamo pa nga. "SINONG PUMATAY NUN?" pasigaw na tanong ni Sakura. Aliw na aliw sila at di man lang napansin ang presensya ko. "Ako. Bakit? Aangal ka?" nakataas kilay kung tanong sa kanya. Napalingon naman sya saakin saka ngumiti na parang sinasabi na Sorry po. Umupo naman ako sa pang isahang couch saka nagsalita. "I know all of you knew why you are here and why did we bought those things" mahabang lintaya ko sabay turo sa mga pinamili namin na nasa center table dito sa sala. Tumango naman silang lahat pero si Chen may pahabol pa. "MAG ARAL NA ULIT TAYOO WOHOOO" masayang sabi nya. Binatukan naman sya ni Sakura saka ako tinuro. Bigla namang nanlaki mga mata nya saka ngumiti sakin ng kay tamis. Nahalata ata na diko nagustuhan iyon. Naka death glare ba naman ako sakanya. I clear my throat and continue on what Am I saying. "As you have known, we will be going back to school. In OUR school. Nuestros Padres already Enrolled us there. Well, be using our second and middle name." Pagpapatuloy ko saka binuksan ang isang Beer in Can na nasa center table saka tinungga ito. "Teka Blaithe diba the day after tomorrow na ang first day of school?" tanong naman ni Nickie. Himala at walang sinusubo ang isang to. "Si" tipid kung sagot saka sumubo ng Pringles na kinuha ko kay Mikko. Naks sinamaan pa ako ng tingin. "Is that all?" tumango ako. "I think that would be all for today. We'll meet tomorrow in this address " sabay pakita ng isang address na nasa phone ko. " Etext ko nalang sa inyo mamaya" saka ako tumayo at inubos ang beer. Nag sitayuan naman silang lahat kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. Binitbit ko na binili ko kanina saka unang lumabas. Hmm tomorrow will be a big day Sumakay nako sa kotse ko saka pinaharurot iyon. Nadatnan ko si Mamà sa may sala habang nanunood. "Oh Andrea, You're home na. I've cook your favorite sinigang. We'll wait for your Papà nalang. He's on his way home." Nakangiting bungad ni Mamà ng Makita nya ako. Lumapit ako sa kanya saka hinalikan sya sa pisngi nya. "Gracias Mamà, I'm already hungry na din kasi." Tumawa naman si Mamà ng marinig iyon. "De nada Mi Hija. Anything for you." then she smiles at me. "Mamà, I'll go upstairs and changes clothes first". Pagpapaalam ko sa kanya at tumango naman sya kaya ako umakyat na papuntang kwarto. Naglinis muna ako ng katawan saka nagbihis. Simpleng Itim na T-shirt na Plain saka Puting Shorts. Tenext ko sa kanila ang address saka umupo sa kama ko. Nilapag ko ang Cellphone ko saka kinuha ang Laptop ko sa my Bed side table. Nag browse muna ako dun sa Gangster site saka nag babasa ng mga update. Naka post na rin dun ang pagkamatay ng Stalwart at marami ang nagsaya. Itiklop ko na sana ang Laptop ko pero may biglang isang mensahe ang aking natanggap. Rock g**g Vs. Sovereignty Gang When: Tomorrow, 8:00 pm Where: Underground Arena Gaya ni Stalwart, gusto rin kaming pabagsakin nito. Nang hamon sila bukas ng gabi sa underground arena. Tsk mga hangal. Gusto ko pa naman na magpahinga para maganda ang first day ko sa Monday. Pero bawal tanggihan sila. Nasa rules yun ng underground na kung may nanghamon sa inyo ay bawal tanggihan dahil count as defeat yun. At ni isa wala pa kaming talo simula nung sumali kami bilang gangsters. Tinawagan ko sila. Parehong Nakita na nila ang Mensahe sa kanila. "We'll give them what they want eh?" tanong ni Natasha. Well, they already know what to do. "Por supuesto Natasha. We'll give them satisfaction." Naka ngising sabi ko. "You'll join us tomorrow Blaithe?" tanong naman ni Mikko. Napangisi ulit ako sa tanong nya. "Of course.........." I paused for a thrilling spine at ramdam kong hinintay nila ang sagot ko. "it's a secret." I heard their grunts on the other line, napangisi ako. Minsan lang kasi ako nakikipaglaban kasi lagi sila ang pinagawa nun. Wala naman silang angal dun kasi na lagot sila sa akin. Saka lang ako nagpapakita pag nasa alanganin na talaga. Lalo na yung makakalaban nila ay dumi kung makipaglaban silbi back up lang nila ako. "And oh, pack your things, as much as you want. And be in that place exactly 10 am. Don't be late. You know the consequences of being late." seneryoso ko ang boses ko. "Noted Blaithe/Drea." sabay sabay na sabi nila. May pahabol pa sana ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Senyorita Andrea, andito na po si Senyor Alejandro. Deritso nalang po kayo sa Dining table, andon sa sila naghihintay ni Senyora." Pahayag ng isang taga silbi. "Sí Joan, I'll be there in a minute. May tatapusin lang, pakisabi." Sagot ko naman. Umalis nadin sya pagkarinig nun. "Adios." pagpaalam ko sa kanila saka enend ang call. Chinarge ko muna ang phone ko kasi malobatt na pala. Saka ako lumabas sa kwarto. Pagkarating ko sa hapag kainan ay Nakita ko dun si mama at papa na naguusap. About business na naman. Lumapit ako sa pwesto ni Papa saka humalik sa pisngi nya saka bumati. "Buenas noches Papa." saka ako umupo. "Mismo Hija." Sagot naman nya sa mababang boses. Tumikhim si Mama saka nagsalita. "Okay let's eat na." masayang lintaya ni mama. Nag pray muna kami saka na sumubo. As usual, ang sarap ng luto ni Mama. Kaya na paborito ko to eh. Nasa kalagitnan na kami ng pag kain ng mag salita si Papa. "Did you already prepare your things?" sya habang naka tingin sa gawi ko. "No Papa, later." tumango naman sya saka pinagpatuloy ang pagkain. Uminom muna ako ng tubig saka nagsalita. "Papa, me and the g**g are planning to live together. So, it would not be hard for us to communicate and specially to protect each other. I know that you knew that someone is after us. We'll be safe. I already talk to their parents about it and they are fine with it." Mahabang paliwanag ko sa kanya. Tumigil naman sya sa pagkain saka nagpunas muna sa kanang bibig. "I'm fine with it, but make sure you all are safe. I'll send some of our Defender if it is ok with you." Sagot naman ni Papa. Sumabat na rin si mama sa usapan namin. "Mi amore, our daughter can handle herself and so as her friends. And give them this time together, we'll be just the back up if something will come up." Sabay hawak sa kamay ni papa na nasa mesa. Tumingin naman si mama sa direksyon ko saka ako kinindatan. "OK." sabi nalang ni papa. At dahil dun, I mouthed Mama GRACIAS and she just smiled at me. Tumayo na ako dahil syempre tapos na ako. "Mama, Papa, I'll go first. Need to prepare my things for tomorrow and of course I'll rest early." Lumapit ako saka humalik ulit sakanila. "Buena noches, Mama, Papa." Saka ako lumakad na papuntang kwarto pero bago muna iyon tinawag ko muna si Joan para tulungan akong mag impake ng mga damit ko. END OF CHAPTER ONE Ci, insieme means US, TOGETHER In German.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD