Chapter 29: Second Lead
PINANOOD ko lang siya sa marahan na pagpunas niya sa namamawis niyang katawan. Ginamit pa niya ang pink na towel ng anak niya.
"Maligo ka na muna ro'n..." sabi ko pero umiling siya.
"Mamaya na. Hindi pa naman ako amoy pawis, eh," giit niya at mabilis na sinuot niya ang puting shirt niya.
"Dada?"
"Wait lang, love," malambing na sabi niya. Magpapabuhat na naman yata siya sa pilyo niyang Daddy at iyon ang nga ang nangyari.
Nauna akong naglakad at nakararamdam ako ng kung ano dahil close na close na silang dalawa.
"Wait up, Mommy ganda," narinig kong sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya.
"Nagtatampo ka, eh. Sige na nga, ikaw na muna sa baby natin o puwede rin ako... Ako na ang baby-hin mo," utas niya. Pinitik ko ang bibig niya. Nakahilig siya sa akin kaya nagawa ko iyon.
Umikot ulit ang eyeballs ko at hindi ko siya pinansin. Biglang umiyak si Markiana at dinuro-duro kami ng maliliit na daliri niya, sinabayan niya rin nang mabilis na pag-iling.
"Mam...ma, Dada... Hmm..." umiiyak na sambit niya at pagkatapos niya kaming duruin ay idinikit niya ang mga daliri niya sa matambok niyang pisngi. Napangiti ako nang naintindihan ko ang gusto niyang iparating sa amin.
"Tahan na, anak ko..." pag-aalo sa kanya ng Daddy niya. Maingat na inilipat niya sa akin si Markiana at mabilis itong yumakap sa leeg ko.
"I'm so sorry, love... Hindi kami nag-away ng Dada mo... Malakas lang talaga siyang mang-asar," ani ko at inirapan ko pa siya saka ko paulit-ulit na hinalikan ang ulo ng anak ko.
SA HAPAG ay dinaig pa ang piyesta kahit bukas pa ang birthday ni Lola Areah. Ang daming niluto ni Nanay na ikinatuwa ko pa dahil lahat iyon ay na-miss kong kainin. Iba't ibang putahe ang nakahain sa mesa.
Nasa kandungan ko na this time ang baby namin para makakain nang maayos si Engineer Markin dahil mukhang nagutom siya sa trabaho niya kanina. Mabilis ang pagsubo niya at parang isang buwan siyang hindi nakakain o baka nasarapan lang siya sa luto ng aking mother. Narinig ko rin kay Nanay na maagang nagising ito kasama si Markiana at nautusan agad ng matatanda.
Kawawa naman pala, eh...
"Simpleng selebrasyon lang para bukas. Huwag na kayong mag-abala pa, naku. Dating gawi," ani Lola. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa paghahanda ng birthday niya.
Pupunta mamaya si Nanay at Tita Lalaine sa bayan para bumili ng mga sangkap na lulutuin nila para bukas. At maghahanda naman ang iba sa bahay. Sa labas, sa may garden namin ihahanda ang kaarawan ng aking abuela. Siyempre isinama pa nila si Markin.
Mabuti na lamang at hindi reklamador ang engineer kahit alam niyang kinakawawa talaga siya ng mga ito.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam siya na maliligo na muna. Humalik pa siya sa pisngi ng anak niya at pagkatapos no'n ay ako na naman ang tititigan niya kaya mabilis akong umiwas. Pinagbantaan ko pa siya.
Papaano siya matatanggap ng pamilya ko, eh napakapilyo niya?
"Iyong table sa may studio mo sa labas, Reyang. Pakisamahan ang engineer para makuha ang table at dadalhin sa garden," pag-uutos ni Lolo Henriko pagkababa ni Markin sa hagdanan.
Katatapos lang nitong maligo at hindi na nagawang suklayin ang magulo niyang buhok at basa pa rin ito. Simpleng dark blue na V-neck shirt ang suot niya at maong na shorts naman pababa.
Ibinigay ko si Markiana sa Lola Areah namin saka ko sinenyasan si Markin para sumunod sa akin.
Ang studio ko pala, simula nang dumating si Markiana sa buhay namin ay nagpagawa sina Tatay ng studio ko sa labas para paglagyan ng mga lumang painting ko at dito na rin ako nagpipinta.
Nasa likod lang ito ng bagay namin at 'sakto rin ang laki niya. Madilim pa nang makapasok kami. Inilawan ko ito ng cellphone ko para makita ko ang button ng ilaw at pinindot ito.
"Wow..." bulong niya. Tumambad sa amin ang maraming paintings na naka-display sa kung saan-saan at hindi naman puro black and white ang makikita mo. May iba't ibang kulay na rin.
"Ayon ang table," ani ko at itinuro ko ang may kahabaan na table sa may dulo ng kuwartong ito.
Hindi naman siya masikip. Ang kaso ay medyo mainit siya dahil nakasara lahat ang bintana. Walang aircon dito. Nasa probinsya ka naman kaya hindi na kailangan iyon.
"You're so talented, baby..." puri na naman siya sa akin. Hindi ko maiwasan ang pamulahaan ng pisngi at isama mo pa ang mabilis na t***k ng puso ko.
"Alam ko..." kaswal na sabi ko lang na may tunog na pagyayabang pa kaya napangisi na lamang siya.
Sa halip na lumabas dahil naituro ko na sa kanya ang table ay naglakad ako palapit sa kanya.
May apat na painting ako na gusto kong ipakita sa kanya. Dahil alam ko rin makare-relate siya. Naramdaman ko ang malamig na mga mata niya sa akin.
"Halika ka rito, may ipapakita ako sa 'yo," ani ko nang hindi ko siya nililingon.
Tinanggal ko ang telang nakatakip sa isang painting, kasabay nang pagtabi sa akin ni Markin at ang pagtambad sa amin ng dalawang lalaki at nasa gitna nila ang isang babae. Bakas sa maamo nilang mukha ang kasiyahan, parehong nakangiti ang mga ito.
"Wow... What is this..."
"Ikaw 'yan, si Leandro ang isa at nasa gitna niyo si Leighton," pang-aasar ko sa kanya. Nagsalubong lang ang kilay niya.
"Silly you, kulot," sabi nito sa akin at marahan pa hinila pababa ang nakapusod kong buhok. Hinampas ko ang kamay niya. Ang sakit kaya iyon.
"Ang ganda ng babae...parang kamukha mo, ah," sabi niya rin sa akin kahit ang layo-layo ng hitsura namin.
"But baby, mukhang babaero ang isang ito," sabi niya at itinuro pa niya ang guwapong lalaki na nakasuot ng mahabang earings. Mukha ngang babaero pero diyan siya nagkakamali.
"Eh, ikaw hindi ba?" nakataas na kilay na sabi ko.
"Hindi, ah," defensive na sagot naman niya sa akin.
"Huwag mong husgahan ang physical na anyo ng isang tao, engineer. Mas babaero ka pang tingnan sa inyong dalawa," utas ko.
"Sino sa dalawang lalaki ang boyfriend ng babaeng ito?" I asked him. Mabilis na sumagot naman siya. Iyong pangalawang lalaki ang itinuro niya na mukhang matino.
"Mas pipiliin ko siya," ani ko at ang itinutukoy ko ang mukhang babaero.
"A playboy? Type mo ang mga ganyan?" nagtatakang tanong niya sa akin, "But I'm not his kind, baby..." he added.
Tinanggal ko naman ang isa pang puting tela at wala na rito ang mukhang playboy, ika niya. Parehong nakangiti ang dalawa. Magkasintahan sila.
"Ang ganda... Kayang-kaya mong iguhit ang mga ito at nakikita ko ang emosyon nila," namamanghang sabi niya.
"Ano ang nakikita mo?" tanong ko.
"Na mahal nila ang isa't isa," sagot niya at tumango naman ako.
"Alam mo ba na napaka-selfish nilang tao?"
"What? Iyon naman ang dapat, hindi ba? Ang maging selfish para sa sariling kasiyahan nila," aniya na ikinatango ko.
"Ganoon nga iyon. Mas pinili nila ang kasiyahan nila at nagawa nilang saktan ang isang tao ng hindi nila namamalayan. Alam mo ba sa pagiging selfish nating mga tao? Nakalilimutan natin na may isang tao pala na palaging nasa tabi natin, na palaging nakasuporta sa atin at mas nabigyan tayo ng halaga sa kanya... Na mas minahal nila tayo kaysa sa sinasabi nating first love and great love. Sa tingin mo..." mahabang kuwento ko at hindi na nakatuon sa painting ko ang atensyon niya, dahil nasa akin na.
"Bakit maraming playboy sa mundo?" tanong ko kapagkuwan.
"Because they want to play? To explore?" patanong na sagot niya. Tipid na ngumiti ako.
"Do you think that's just their role in the world? To be an extra? They are also one of those people na sobra-sobrang magmahal sa isang tao... Not all playboys just want to play with the girls, to waste their time with nothing, to spend money in night clubs and have fun. Dahil may iba...may mabigat na problema silang kinakaharap. May mga problema sila na gusto lang makalimutan pansamantala..." mahabang saad ko at ipinakita ko naman sa kanya ang pangatlong painting na ang guwapong mukha ulit ng playboy na tinutukoy ni Markin.
"They are the best at hiding emotions and their true feelings. They are the people who are willing to give up what they fought na walang patutunguhan dahil mas masasaktan lang sila..."
"Just like me? I used to be love her... I am always by her side... Palagi akong nakasuporta sa mga bagay na gusto niyang marating..." See? Relate na relate sila.
Ang pang-apat at panghuling painting ang nakita namin pareho. Ang nakapikit na lalaki ay punong-puno ng mga luha ang kanyang pisngi. May sigarilyo sa kamay niya.
"Sa isang kuwento. Isa lang sila sa second lead, mga extra... Pero sila ang mas hinahangaan ko dahil ang iba... hanggang sa kamatayan ay dala-dala nila sa puso at alaala ang mga mahal nila sa buhay... Sila ang hindi nabigyan ng...sinasabi ng mga kabataan ngayon na happy ending... Pero sila? They can love someone without asking in return, they are willing to get hurt for the happiness of their loved one... Ang pag-ibig nila ay hindi kayang pantayan ng sinasabi nating male lead... Mas nahihigitan nila ang pagmamahal kaysa sa mga bida..."
"Pero naniniwala pa rin ako, Engineer Markin. Na sa sarili nating buhay, tayo ay mga bida rin... Naging second lead ka man o extra sa isang kuwento... You are still the protagonists of your life," nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ko na namalayan pa ang kamay niyang nasa baywang ko na pala.
"I lied..." he uttered.
"Hmm?"
"I lied... I still love her, Rea..." Bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
Nararamdaman ko naman iyon. Alam kong may puwang pa sa puso niya si Leighton. First love nga niya ito kaya mahirap kalimutan at mahirap palitan sa puso niya.
"I love her, pero sumuko na ako long time ago nang dumating si Astrid..." sabi niya. O baka mas napamahal ka, Markin? Dahil may anak na ito.
"Tama ka... Parang extra or second lead lang talaga ako sa buhay ni Leighton. Did you know I was so jealous when I found out she was pregnant? At si...ang kaibigan namin ang ama ng bata. Napakatanga ko para hilingin na sana sa akin na lang si Astrid. Na sana ako na lang ang Daddy niya..." sabi niya at sinabayan pa nang tawa pero walang luha ang tumulo sa kanyang pisngi. Wala ring buhay ang mga mata niya. Parang wala rin sa kanya iyon kahit alam kong nasaktan siya.
"Sa buong buhay ko, Rea... Siya lang talaga ang minahal ko..." dugtong niya at bumuntonghininga.
Inabot ko ang pisngi niya at masuyong hinaplos iyon. Humigpit ang kamay niya sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya.
"Pero naglaho iyon nang makilala ko si Markiana... Siya ang magandang regalo na natanggap ko at ang suwerte ko sa kanya..." madamdaming saad niya at nakita ko ang pagdausdos ng mga luha niya...
Pagdating kay Markiana ay iniiyakan niya talaga ito.
"Markiana Reyan is my first love, baby..." sincere na sabi niya at may kislap na ang mga mata niya. Nakikita ko na rin ang maliliit na pagngiti niya.
Pero naalala ko lang ang sinabi niya... Ako? Ano naman ang role ko sa buhay niya? Katulad din ba ako ng naging subject ko?
Isang extra dahil alam kong hindi rin ako second lead.
Napapikit ako nang maramdaman ko rin ang paghaplos niya sa magkabilang pisngi ko. Ang mainit at mabango niyang hininga ay tumatama na sa mukha ko.
"Hindi kita gagawing rebound, Rea kung 'yan ang iniisip mo... Seryoso ako sa 'yo... Seryoso ako sa panliligaw ko... Hindi ko pa masasabi sa ngayon na...mahal kita...pero sasabihin ko sa 'yo na gusto kita... Gustong-gusto kita, Rea..." halos pabulong na sambit niya at hindi ko na nagawang imulat ang mga mata ko dahil sa pag-angkin niya sa labi ko. Sobrang lalim ng mga halik niya at nasa batok ko na rin ang isa niyang kamay para mas diinan niya ang paghalik sa akin.
Napaungol ako nang marahan na hinalikan niya ang pang-ibabang labi ko. Nakakaantok ang paraan nang paghalik niya sa akin.
Inikot ko ang mga braso ko sa batok niya at ang kasabay na pagbuhat niya sa akin. Ibinaba niya ako sa mesa at pinaghiwalay pa niya ang mga binti ko saka siya pumuwesto sa gitna ko.
Nagtaas baba ang kamay niya sa baywang ko at bumaba naman ang isa sa pang-upo ko. Nakulong sa mga labi niya ang mahihinang halinghing ko nang mariin na pinisil niya ang pang-upo ko. Kakaiba na naman ang pakiramdam ang bumalot sa aking katawan.
Ang mainit na kuwarto ay mas lalong uminit ang paligid dahil sa katawan naming dikit na dikit.
Napatingala ako nang pakawalan niya ang mga labi ko at bumaba ang halik niya sa panga ko, pababa pa sa leeg at balikat ko.
"May malaking canvas ka, kulot?" tanong niya sa gitna nang paghalik niya at pagsipsip sa balat ko. Hindi ko na rin pinansin pa ang pagtawag niya sa akin.
"Malaking canvas?" balik na tanong ko dahil hindi ko siya naintindihan.
"Yeah. Iyong kasya tayo?" sabi niya at inilayo ko ang mukha niya sa leeg ko. Mariin na tinitigan ko siya.
"Ano'ng gagawin mo?" nagtatakang tanong ko.
Tumaas ang sulok ng mga labi niya. Hayan na naman ang pilyo side niya. May kalokohan na naman siyang naiisip, sure ako riyan.
"Baby, I want a body painting... Let's do that?"
"W-What? Ano naman iyon?"
"Body painting... We both naked..."