Chapter 2

1448 Words
Steve's POV "I should have brought Kitty here." Napasimangot ako sa sinabing 'yon ni Patrick. "Patrick, ano ba? Bachelors party nga 'to 'di ba? Maraming chix. For bachelors. Tapos dadalhin mo yung parang linta kung makadikit mong girlfriend? Basag-trip ka naman e. Para kang nagdala ng pagkain sa buffet party." Naiiritang sabi ko. Parang ako lang kase ang masayang napapaligiran ng mga babae dito. I'm with my two best buddies pero daig ko pa ang solo flight. 'Yung isa ginayuma ata nung girlfriend na mukhang hipon ito namang isa nasa Afghanistan ata ang isip. "Matt, kanina ka pa tulala. Sino bang Iniisip mo d'yan?" "My boss." He said as he took a gulp on his Martini. Without his geek glasses, and his usual long sleeved polo shirts, papasang modelo 'tong si Matt. Punong-puno ng tats yung katawan niya mula sa likod hanggang sa braso kaya palagi siyang naka long sleeves sa trabaho. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pang ganoon ang istilo niya sa trabaho at lalong-lalo namang hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang magtrabaho. D*mn. This guy owns Adonis.Sa mahal ng membership fee sa exclusive club na 'yon, pwedeng-pwede siyang nasa Madrid every week. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magtiis at pagtiisan ang ugali ni Zylie Crisologo. The Matt I--we know? He is a dominant. He would probably put that woman in place. On all fours, tied up, naked and moaning. But this Matt? Parang nabaliktad ang role nilang dalawa ng boss niya. "Yung halimaw mong boss na si Zylie Crisologo? Namputa naman kase Mateo, ang laki-laki nung kumpanyang pinamana sa'yo nung Lolo mong nasobrahan sa viagra kaya inatake sa puso tapos nagtitiis ka sa ugali nung ipinaglihi ata sa sama ng loob na babaeng 'yun. Hindi kita maintindihan." Naiiling na natatawang sabi ni Patrick. Isa pa 'yon. Kay Mateo lang iniwan ng lolo niya ang pamamahala sa kumpanya nila. Bastardo kung ituring ng pangalawang pamilya ng Daddy niya si Matt but in the end, nasa kanya ang huling halakhak. Wala e, paboritong apo e. "Kapag nagawa mong ipaintindi sa amin kung bakit patay na patay ka kay Kitty, baka maintindihan mo ako." Patrick flipped his middle finger towards Matt na hindi naman nito pinansin. "Zylie Crisologo is a mystery for me. Alam n'yo yun? Para siyang Pandora's box. You'll never know what's inside unless you work hard to open it." "So you like her?" Tanong ko. Not that I'm interested in that brat. Just asking. "f**k. Hell. No!" Matigas na pagtanggi niya. "Steve, kahit siya na lang ang nag iisang babae sa mundo, hinding-hindi ko siya papatulan. I'd rather go to seminary. Isa pa, sa tingin mo ba magiging sub ko siya? Eh, baka nga 'pag inutusan ko 'yong lumuhod, sipain pa ako e." Natatawang sagot nito sa kanya. "Then why? Nahihirapan kang pakisamahan siya. She's always been a pain in your ass since you started working for her." "You know, it's complicated but I really like challenges. Gusto kong nahihirapan ako." Nakangiti pang sabi niya. "You're a sick fck, Matt." Ilang oras na lang yung itinagal namin sa loob dahil hindi na mapakali si Patrick at gusto na daw niyang makita ulit ang love of his life. Maniniwala na talaga ako sa gayuma. Isa pa, may kailangan daw I-research si Matt para dun sa boss niyang hindi ko pa pinag aaksayahan ng panahong I-search man lang sa internet ang picture. I imagine Zylie Crisologo as a wringkly old lady kaya siguro ganoon ang ugali niya. Siguro hanggang ngayon virgin pa rin ito at mamamatay na lang na virgin. Baka may taning na ang buhay niya? As we walk further into the parking area, nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng pilit na hinihila papasok ng dalawang lalaki sa itim na van. I acted on instinct. Wala sa bokabularyo ko ang salitang pakialam pero iniwan ko sila Matt para lang lapitan yung babae. "May problema ba dito?" Sabay-sabay silang napatingin sa akin nung nagsalita ako pero nakafocus yung mga mata ko sa babaeng nakatingin sa akin. Her eyes were pleading as she gulp twice, as if asking me to help her. Again, wala sa bokabularyo ko ang salitang makialam but there's something in the way she look at me na para bang ang hirap-hirap niyang pakawalan. "Wala, Pare. Away magsyota 'to, 'di ba babe?" Hinapit niya yung bewang nung babae, dahilan para mapadikit ng husto yung likuran niya sa harapan nung goons na nasa likuran niya. She gasps and squirms against his hold. "Ah. So sino sa inyong dalawa ang boyfriend ni Miss beautiful?" Alangan namang kayong dalawa? Hoy bawal ang threesome sa story na 'to." Kahit alam kong mukha akong tanga sa sinabi kong 'yun, at least napangiti ko si Miss Beautiful. 'Yun lang naman ang gusto ko e, ang mapakalma siya. "Bakit ba napaka pakialamero mo?" Akmang lalapit pa sa akin yung isa kaya kinapa ko yung laruang baril sa may waistline nung pants ko. Nakuha ko 'yon sa loob, props nung exotic dancer na kinuha nila sa stag party ng kaibigan namin. "Sige, subukan n'yong gumalaw, kakalat dito yung mga utak n'yo." Binitiwan nung isa yung babae at itinulak siya papalapit sa akin at umarangkada na papalayo. "Ang tatapang, takot naman pala." Tinignan ko yung babaeng nasa braso ko. Nanginginig yung katawan niya at pilit niyang isinisiksik yung katawan niya sa yakap ko. "Miss, okay ka lang?" Nag angat siya ng tingin dahilan para magtama ang mga mata namin. For a while I thought I saw an angel because she looks like an angel. Pero nung nagsalita na siya.. "Let go of me!" Let go of her? E siya nga 'tong sumiksik ng husto sa dibdib ko. Inalis ko yung kamay ko sa may bewang niya at lumayo ako ng konti sa kanya. Tinignan niya ako ng masama atsaka siya pairap na tumalikod sa akin. Kaya ayokong makialam e, hindi ka na nga pinasalamatan, ikaw pa yung masama. "Nasaan ba kase 'yong mga 'yon?!" Narinig kong tanong nung babae sa sarili niya. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong titigan siya ng husto. She's beautiful and slim. Mukha ring anak mayaman kaya siguro ganoon ang ugali nito na hindi marunong magpasalamat. Pero hindi ko naman nilalahat. May mga alta lang talagang hindi mo maiintindihan ang ugali. Nakita kong kinuha niya ang cellphone sa bag niya at may tinawagan. Gusto ko na sanang umalis sa kinatatayuan ko at bumalik sa mga kaibigan kong nakatingin lang sa amin, but I'm not leaving without hearing a simple thank you from Miss Bratinella over here. "Wow. Thank you Esteban, salamat sa pagsagip mo sa'kin dun sa mga mukhang manyakis na 'yun!" Sigaw ko habang naglalakad siya palayo. "Walang ano man, Miss beautiful. Sa uulitin." Sabi ko ulit. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. With her hands on her waist, nagmarsta siya pabalik sa pwesto ko. "Ano bang problema mo ha?" Parang umuusok yung tenga niya sa galit pero parang na-glue yung mga mata ko sa dibdib niyang umaangat habang humihinga siya ng malalim. "Wala naman akong problema, ikaw may problema ka?" "Kanina mo pa ako pinapatamaan e!" "Bakit ka naman tinatamaan?" Magsasalita pa sana siya nung biglang may lumapit na tatlong lalaki sa amin. "Zy, okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" Ikinulong nung isang lalaki yung mukha ni Zy sa mga kamay niya hinalikan ito sa noo. Biglang parang nag-init yung ulo ko sa nakikita ko. "May nakapagsabi sa'min kanina na may gumugulo sa'yo. I'm so worried-" "Lukas, tigilan mo nga ako sa pag iinarte mo d'yan. I'm a big girl now, I can take care of myself." Hindi ko napigilang hindi magreact dun sa sinabi niya. She can take care of herself daw. Lol! "Ano pang ginagawa mo d'yan?" Hindi ko napansin na nasa akin na pala yung tingin nila. "Hindi ka man lang ba magte-thank you dahil sinagip kita?" "You want me to thank you para sa isang bagay na hindi ko naman hiniling na gawin mo?" Pakiramdam ko nalaglag yung panga ko sa sinabi niyang 'yun. Hindi niya hininging tulungan ko siya? Ano pala ang tawag dun sa pagmamakaawa sa mga mata niya kanina? "Wow. Just wow." Hindi makapaniwalang sabi sabi ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakilala ng babaeng katulad niya. So full of herself. "Hindi na siguro. Baka maging utang na loob ko pa sayo ang pagsasabi mo ng thank you." Naglakad na ako pabalik kila Matt. Kung palaging ganito ang isusukli sa akin sa kabutihang loob na ginawa ko, edi sa susunod, hindi na talaga ako tutulong. "I told you, she's a monster." "Who?" Tanong ko kay Pat nung makalapit ako sa kanila. "Zylie Crisologo. The one and only." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD