POSSESSION ENTRY # 9 " Then use me, use me against your husband. " Kunut noong nag angat ako ng tingin mula sa aking pagkakasubsob sa aking dalawang kamay. Nagtama ang aming mga mata at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na emosyon doon na nagparamdam sa akin ng matinding kalungkutan. Hindi ko maintindihan kung bakit sinabi niya ang mga salitang iyon sa akin gayung hindi naman kami lubos na magkakilala. Ito ang pangalawang beses na nagkita kami, pangalawang beses na nagkalapit kaming dalawa.. Ganito siya kabait? Bakit ang bilis bilis niyang magtiwala? Inaalok niya ako ng isang bagay na kahit sinong tao, magdadalawang isip na sagutin. I was lost for words and I dont know what to say to him. Is he for real? Napunasan ko na ang aking mga luha pero para pa rin akong tanga na nakatungan

