"Isaac pwede bang tabi tayo mamaya?" Tanong ko kay isaac.
"Sure" saad nya at ngumiti.
--------
"Tara na Zoe" saad ni sophia.
"Oo sige kunin ko lang gamit ko" saad ko.
Bumaba na kami at nakasalubong ko sya.
At oo sasama sya.
Diba may kotse to bat pa makikisiksik sa loob.
Hays
Binilisan ako nag pagpasok sa loob para di ko siya makasalubong.
Nagsave nako ng pwesto ng nakita ko si isaac na sa kabilang sasakyan pala nakasakay WAHHHHHHHH bat dalawa sasakyan omg omg omg.
Waittt manghihila ako.
Sino ba pwede hilain.
Wala akong mahihila lahat nakaupo na nasan si sophia.
Wah nasa likod pa sya pano ko masisigawan.
Huhuu kevin wala ka namang gf dito pwede ikaw nalang tumabi huhuu asan ka.
At yown in the end.
Katabi ko sya.
"Hi" saad nya habang inaayos ang upo at di ko ito pinansin.
Isaac naman eh di mo sinabi may isa pang sasakyan huhu.
"Diba may sasakyan ka" tanong ko habang nakatingin sa bintana.
"Yeah" saad nya.
"Bat di ka nalang nagsasakyan" saad ko pa.
"Sige basta sama ka" saad neto kaya mas lako akong nahihiya.
Grrr
Bat ako nahihiya.
"So guys mag sstay tayo don ng 2 days and one night okey kaya wag tayong pagala gala dahil pwede kayong maligaw yon lang pwede na kayo magpahinga dito" saad ng guide at umupo na.
"D-diba lasing ka kagabi" saad ko pa.
"Hm pano mo nalaman?" Tanong nito at tumingin saken.
Wahhhh wala kabang naaalala gungong ka pano moko pinagsamantalahan huhu.
"Amoy alak ka eh" palusot ko at di tumitingin sa kanya.
"Diba dapat puyat ka kase nga naglasing ka ba ka pa sumama sa camping pwede ka namang matulog mun-" di ko natapos ang sasabihin ko nang narinig ko ang mahinang hilik nya habang naka suot ng sumbrero.
Ay wao wala pala ako kinakausap.
Hmmmm kung di nya naaalala ibig sabihin baka mema nya lang mga sinabi nya kagabi.
Edi nice di ko na kelangan magtago sa kanya di naman pala nya naaalala.
Wala akong magawa kundi tumingin sa bintana karamihan samin ay tulog at yung iba ay nagphophone eh ako walang magawa di naman ako inaantok haysss.
Ace's POV
nagising ako ng may maramdaman akong humihilik.
At nakita ko si zoe na tulog na at nakapatong ang ulo sa bintana kaya agad kong nilipag ang ulo nya sa balikat ko.
Cute
May maingay na naguusap sa harap namin kaya agad kong sinipa yung likod ng upuan na dahilan ng pag harap nila.
Sinenyasan kong wag magingay at agad naman silang sumunod.
I looked again at her angelic face.
I love angels.
i want to look at her all day but i feel drowsy.
I fixed her messy hair and went back to sleep.
ZOE'S POV
Nagising ako at may naramdamang malambot na unan kaya napatingin ako sa hinihigaan ko.
Si ace mahimbing parin na natutulog buti di sya nagising.
"WAHHHHH" hikab ko habang nakataas ang kamay.
Omg napalakas ata.
Nagising sya.
Wahhhh ewan ang awkward paren.
Di ko mapigilan mahiya pag naaalala ko kagabi.
Kaya tumingin ako sa bintana at nakita namin ang dagat.
"Wow dagat" saad ko habang nakatingin parin sa bintana.
Nagulat ako ng malapit ang mukha nya saken.
"Tingin" saad nya at sinilip ang bintana.
Di ako lumingon.
Mas lalo akong nahihiya.
"Yeah ang ganda nga" saad nya
Sabay tingin saken.
WAHHHHHH ramdam ko yung tingin nya saken kahit di nakatagilid ako.
Ramdam ng vision 360 ko huhu.
Lumayo kanga.
_____________________
Ilang oras na kaming nabyahe at di pa kami nakakarating sa cacampingan.
Nilalamig naren ako pero yung gamit ko nasa taas pa ng sasakyan i mean sa lagayan duh di naman sa taas mismo.
Naka tshirt lang ako at masasabi kong nilalamig na ko.
Di ako nakakuha ng gamit ko dahil sa kaba ko kanina.
Di ko naisip na lalamigin ako.
Huhu
Lumalamig na dahil maghahapon na.
Nagulat ako ng gumalaw si Ace at tinanggal ang suot nyang black jacket at pinatong sa dalawa kong balikat.
Napatingin naman ako sa kanya habang ginagawa nya yon.
Ngayon ay naka plain white Tshirt nya medyo manipis kaya nakikita ang hubog ng katawan nya-
I mean plain t shirt yon lang.
Di ko ginalaw ang jacket na nasaken at tumingin lang sa bintana.
"Thanks" saad ko habang nakatingin sa bintana.
"May kapalit yan" saad nya sabay lapit saken.
Huh ano
Kiss ba hinihingi nito wahhhh ibabalik ko nalang to.
"AN-" magagalit sana ako ng
Huminto ang sinasakyan naming bus.
"Sabay tayo kain" saad nya.
Wahhhh akala ko kiss WAHHHHH
Nakakahiya yon pag nagkataon.
"Ayoko nga" saad ko.
"Edi hindi ka makakadaan" saad nya.
nasa harao sya kaya nga di nya ko mapapadaan.
"GUYS TARA NA KAIN MUNA TAYO " saad ng nag gaguide.
At nagsimula nang bumaba ang nasa bus.
Nahinto kami sa isang canteen.
WAHHHHH
Naiwan kami ni Ace dito.
Patigasan ba.
"Oo na tara na gutom nako" saad ko habang nataray.
Ngumiti naman sya at tumayo.
____________________
Wahhhhhh ang sarap.
Habang nakatingin ako sa mga pagkain.
"Hoi Ace kuha moko non tas eto tas yon tas yon upo na ako ha" saad ko at madaling hanap ng table ng hilaan nya yung hoodie ng suot kong jacket nya.
"Hoi bitawan mo ngako" saad ko.
"Ikaw ang kukuha ng pagkain mo" saad nya pa.
"Balakajan di kita sasabayan" panakot ko.
At sa huli ng pagtatalo.
Talo ako.
Buhat ko pa iba nyang pagkain wow ang kapal.
Malamang sya naman kase magbabayad huhu.
Dapat nga wala akong pakealam don dahil gusto nya ako makasabay kumain eh pake ko ba.
"Baby, here" saad nya ng may pang aasar.
"Kadiri ka ace" saad ko habang nabibigatan na ko tas sya nakaupo na sa table.
Ang kapal talaga.
"Oi Zoe tulungan na kita" saad ni isaac sa gilid ko at kinuha nya ang iba.
"Ah okey lan-" Saad ko pero wala na akong magawa nakuha nya na.
Tumingin ako kay Ace na seryoso ang mukha.
Problema na naman neto.
Yannn nalapag na.
"Thanks Isaac" saad ko at ngumiti habang nakatingin saken si Ace ng seryosong mukha.
"It's okey sorry kung di kita nakatabi kanina di ko napansin na nasa isang bus ka" saad nya at napakamot ng ulo.
Wahhhh bat mo binabanggit.
"He he" saad ko na nahihiya.
"Are you done talking? I am hungry" seryoso nyang saad.
"Ah sige bye na" saad ni isaac ngumiti at umalis.
Nagsimula na silang kumain.
"Kumain kana aalis na yung bus mamaya maya" saad nya at seryosong nanguya.
"Oo na" saad ko at may pag tataray.
Sungit
Ang dami kong kinain di ko alam na gutom pala ako kaya ang takaw ko.
Ang sarap ba naman.
Tas may icecream pa chocolate.
WAHHHH excited na ko kumain ng ice cream.
Yum yum
"Dahan dahan" saad nya habang pinupunas sa bibig ko yung tissue.
"Hoy di na ko bata ilayo mo ngayan" saad ko.
At napansin kong sa isang kamay hawak ko ang ice cream at sa isa naman ang halo halo.
Kaya nagpapunas nalang ako.
Ngumiti naman sya.
Wao ang dugyot ko ba kumain.
"this is our first date" saad nya at ngumiti.
Ang pogi.
I mean ang unggoy yuck.
Yuckkk anong dateeee.