CHAPTER 5

1225 Words
"Anong bang sinasabi mo?" Saad nya at tinignan ang cellphone ko."Grabe kakaiba ka" pahabol pa nito at natatawa. "IKAWW YONNNN ISA KANG d**g PUSHERRRR!" sigaw ko sa kanya at tumingin naman sakin yung dalawang lalaki. "KAYO NAMANG DALAWA ISA KAYONG d**g BUYERRRRR" saad ko sa maangas na paraan. Hayss dali lang pala maging isang detective grabee daming kukuha sakin nito at mabilis akong yayaman dahil malinis ako gumawa. "HAHAHAHAHAHAHA" ugok nga 'tong mga lalaking 'to tinawanan lang nila ako. At bigla nya akong inakbayan ng pangit na'to na d**g pusher. "WAHHHH ANG KAPAL NG MUKHA MO BITAWAN MO KO!" Saad ko at tinutulak sya pero ayaw nyang bumitaw. "Babaeng palengkera magvivideo ka na ngalang hindi pa naka start-" hindi ko sya pinatapos at narinig kong nagtawanan ang lalaki sa likod habang pinapakita ang phone ko na hindi nga naka start. "Grabe isa ata yang baliw" narinig kong bulungan nila. "IKAW LALAKI! BINURA MO YONNN!" sigaw ko sa kanya. "Hindi ah tanga ka lang talaga" saad nya at bumitaw sakin. "Sige boss alis na kami" saad ng isang lalaki at umalis na sila. Habang naiwan kami dito at nakatayo."KAINISSSS" sigaw ko. "Ano bang ginagawa mo at sinusundan moko" Tanong nya habang bitbit ang case na black. "HAAAA! d**g ANG LAMAN NYAN NOH! PATINGINN!" sigaw ko. Dito tayo magkakaalaman."Ok" saad nya at binuksan yon at "Ano yan?" Tanong ko. "Mga damit ko" saad nya. "Ang sosyal naman ng damit mo ganun kaba talaga kayaman para ipadeliver at ipacase yan?" Tanong ko. "Alam mo ba babae may nahahalata ako" saad nya at inilapit ang mukha nya sakin. Kaya nanlaki na naman ang mapungay kong mata. "May gusto ka ba sakin?" Saad nya at tinulak ko ang mukha nya. Ang bango ng hininga nya pero kailangan kong maging maangas kahit napahiya na ako. "AMBAHO NG HININGA MO WAG KANG LUMAPIT SAKIN!" sigaw ko at tinulak ang mukha nya. "HOY MGA BATA ANG IINGAY NYO MAY NATUTULOG!" sigaw ng matandang ale sa may bintana. "Yan nagising mo sila sa kaingayan mo" saad nya at nagpipigil tumawa. "HINDI KAMI YON BAKA YUNG APO NYO YUN NAKIKIPAGLAMPUNGAN!" sigaw at umalis na. Ganun mag angas pre kahit kasalanan mo kailangan mong baliktarin. Tips yon. At naalala ko habang naglalakad ako ng "WAHHHHHHHHH!" sigaw ko. "Ano na naman ba babae?" Saad nya nakasunod pala siya sa akin hindi ko napansin ."Yung, yung bike ko at idedeliver ko!!!!" Saad ko at agad na kumaripas ng takbo at sumusunod parin siya. Pinuntahan ko kung saan ko iniwan yung bike ko kanina. Wow Wowwww "WOWWWWWW!" Sigaw ko. "Ano meron?" Tanong nya habang nasa likuran ko at pinatong ang braso nya sa balikat ko at hinihingal. Wala na ang bike ko pero naiwan ang idedeliver ko last deliver ko pa naman 'to ang dami pa oh. "WAHHHHHH! BADTRIP DAHIL SAYO TOH EHHHH!" saad ko at pinaghahampas sya sa braso. "Hoy hoy tama na nakikiliti ako HAHAH" saad nya kaya tinigilan ko na sya at naglakad palayo.Lagi nalang ako minamalas at kasalanan nya. Galit na ako ayoko na.Nanakaw na ang bisekleta ng pinagtatrabahuan ko. "Oy okey lang yan andito pa naman yung idedeliver mo eh" saad nya na parang nang aasar."Sayo nayan tanggal na ako" saad ko at paiyak na. Kainiss bat di ko ba mapigilan umiyak sa mga ganitong bagay.Nakakatanggal ng angas 'to eh. "Hoy Angel umiiyak ka ba?" Tanong nya habang hawak parin ang mga idedeliver ko. "Huwag mo na akong pansinin" saad ko."Bat ka umiiyak diba matapang ka?" Tanong nya pa. "Ikaw bakit andito kapa!" Saad ko habang pinupunasan ang luha ko. Nagulat ako ng akbayan nya ako."Bitawan mo nga ako hindi tayo close" saad ko. "Tara kainin na natin 'to baka gutom kalang" ngiti nyang tugon."Inaasar mo ba ko? Mukha masaya ka pang wala na akong trabaho" saad ko at siniko sya. "Aray ansakit" saad nya at tinanggal na ang pagkakaakbay sakin at napahawak sa sikmura kung saan ko siya siniko. "Kala ko ba nakakakiliti yung ginagawa ko sayo ta's ngayon umaaray ka na" saad ko at natawa. "Masakit kaya buto buto ka eh" wala na ako sa mood dahil sa sinabi nya."Bahalaka uuwi na ako" sagot ko. "Wait hintayin moko diyan" saad nya at lumayo sakin at may tinawagan.Ang kapal ng mukha nagpapahintay pa waw kakaiba talaga tong ugok na to. Bahalakajan. Maglalakad na sana ako ng "Yun tapos na" saad nya.Lah, ang bilis ah ayaw akong patakasin. "Uuwi na ako bye" sagot ko at bigla nyang hinila ang wrist ko shala wrist. "WAHHHHH AYOKO NA SA MABAHONG FOUNTAIN NA 'YON GUSTO MO IKAW NALANG LUMANGOY DONNN BITAWAN MOKO" sigaw ko at nag tinginan naman ang mangilan ngilan na tao sa paligid. "Ang ingay mo talaga" saad nya at naglakad ng mabilis. "SAAN MOKO DADALHIN!" saad ko. "Sa park, diba sabi ko sayo kakain tayo" wow ang astig talaga. "HINDI AKO PUMAYAGG!" sagot ko pero huli na andito na pala kami.Hindi ko man lang napansin na malapit lang pala dito yung park na'to. __________ Andito ako at nakaupo lang sa gilid habang sya may tinatawagan at nakatingin sa pwesto ko. Tanga hindi ako tatakas. Hindi ko alam dapat ngayong oras nasa bahay na ako at nagmumukmok kase wala na akong trabaho.Haysss siguro nga sa kagagahan ko 'to. Buti nga saakin. Gabi na pala may pasok pa ako bukas.Hays panibagong hanap na naman ako ng trabaho. "Tara na kumain na tayo" sabi nya ng nakangiti. Ang pangit mo paren kahit maging mabait ka. "Bakit mo ba ako dinala dito?" Saad ko. "Para kumain nagugutom na ako" saad nya at wow astig talaga."Ano ako dito, ako magpapakain sayo?!" Pataray kong tanong. "Pwede gusto ko yon" saad nya at tumawa iww balakajan. Hindi ako kakain grabe kawawa naman yung mga hindi ko naorderan hayss paktay talaga ako sa amo ko. Ay wala na akong amo. Siguro andami nang reklamo ang dumating don. Haysss nakakainis.Kaya hindi ko kakainin yan. ayokoooooo. No way. Kahit gutom ako no way. ____________ "Hinay hinay lang marami pa yan" saad niya at hindi ko pinansin. Ang sarap pala nito ba't hindi ko naisip na pwede akong kurot kurot habang nag dedeliver ako haysss naku, ba't 'di ko nga ba naisip yon. "Paabot non" turo ko sa pagkaing nasa tabi nya habang kumakagat ng chicken. "Grabe ka kumain mukhang gutom na gutom" saad nya at ngumiti."Ikaw kaya ang nagyayayang kumain ba't hindi ka pa nakain" saad ko. "Subuan moko?" Saad nya at binigyan ko lang sya ng badfinger. Nakakaawa naman 'tong katabi ko nakatingin lang sakin kumain. Naiingit siguro 'to nahihiya lang hayss papasubo pa kasi pakainin ko sya ng karton sa kaartehan nya. "Oh" abot ko sa kanya ng chicken legs na may kagat ko. "Ano 'to?" Takang tanong nya. "Chicken legs malamang, may kagat ko na yan pero pwede mo pa namang kainin yung buto" saad ko HAHAHAHAHAHA LT. "Ano ako aso?" Saad nya. "Oo mukha kang aso!" Ani ko. "Kumain ka nangalang diyan" saad nya at tumayo. "Hoy joke lang eto na ohh may chicken pa dito buo" kahit labag sa loob ko ang last chicken binigay ko sa kanya. "Yan, marunong ka pala magshare" saad nya at kinuha ang chicken. Kakain ka rin pala daming arte.Tapos na kami kumain at nabusog ako. "Nabusog kaba?" Tanong nya. "Syempre naman" sagot ko at sabay himas sa tiyan ko. "Dapat lang, ikaw ang magbabayad nyan" saad nya habang naglalakad kami. "WAHHHHHHH!" sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD