Nakabalik kami sa camping area namin
Nakatulala paren ako
Laykk kinuha nya first kiss ko di ko naman sya kaano ano grrr
Nakakainis
Pero bat di ako nagalit
Nasa loob ako ng tent ko at di makatulog
Di ko talaga maisip ang nangyare
Grrrr bat andaming nangyare sa iksi ng araw ng fieldtrip namin
Ano bang nangyayare huhu
Gumugulo buhay ko dahil kay Ace
Lagi mo naman akong hindi pinapatulog ng gabi Ace ano ba, HUHUHU
hanggang ngayon di parin ako makatulog
Bukas maghahike kami at maglilibot sa gubat tas ngayon di pa ko tulog
Di talaga mapasok sa utak ko kung anong nangyare kanina
Aaaghhh mama help me huhu
Palipat lipat ako ng pwesto ng higa
Grrrrr
Di ako makatulog
Bat ganito huhu
Kalma
Kumalma ka Zoe matulog kana ipikit ang mata at
Pikit pikit
Grrrr
Diako makatulog. Bat ganon please lang patulugin nyoko huhu
Humawak ako sa labi ko at inisip ang nangyare kanina
Ace
_________________
"WAHHHHHHH"saad ko ng nagising ako
Wahhhh omg nakatulog pala ako di ko napansin huhu
Lumabas ako ng tent at nakita ko sila
Humikab ako
Medyo makulimlim pa at malamig ang hangin
anong oras naba
Nakita ko si sophia
"Sophia" saad ko
Agad naman nya akong nilingon at ngumit
"Oh Zoe goodmorning" saad nya
"Goodmorning din. Anong oras na?" Tanong ko
Tumingin sya sa relo nya
"Ah 5:13 am palang" saad nya at kinuha ang bitbit na stero
"Ano yan?" tanon ko
"Ah eto yung hinuli ng mga schoolmates naten. Isda ito kase mamaya meron daw tayong boodle fight" saad nya
"WAHHHH TALAGA? PAGKAIN?" masaya kong saad
At tumango sya
"Sige una muna ako ha" saad nya at tumango naman ako
Wahhh may pa boodle fight sila ah
Ang ganda ng umaga ko ngayon wah
Goodmorning talaga
Tumingin ako sa kanila na busy sa paghahanda ng pagkain kaya tumulong muna ako
Wahhhh tapos naren nalagay na ang mga putahe wahhhh kanina pa talaga ako papak ng papak sa sobrang lawak ng kakainan namin
Andami ko nareng napapak
Hehe sensya na gutom agad ako
"Zoe" saad ng nasa tabi ko
WAHHHHHHH ace?
"Zoe" saad nya pa ng napakinggan ko ng malapitan ang boses nya
Hays buti naman si isaac
"Oh hi isaac" saad ko at kumuha ulit ng papapakin
"Ayos kalang ba? Di kita nakita kagabi" saad nya na ikinalaki ng mata ko
"Ahh wala wala ano tawag don kasama ko sila kevin" palusot ko
"Ah hmmm okey. Atleast okey kalang diba" saad nya at ayoko nang iopen ang topic na yon kaya
"Ah bye muna papahangin lang ako" saad ko at mabilis na umalis
Habang naglalakad ako ay huminga ako ng malalim
Wahhh nakahinga naren habang Winawagayway ang kamay ko na mistulang paypay
"Hi baby" saad ng nasa gilid ko na ikinalaki ng mata ko
"WAHHHHHH" saad ko sa gulat
"Wah layuan mo nga ko ace" saad ko at lumalayo na
"Wait" saad nya habang nakahawak sa braso ko kaya napaharap ako sa kanya
"Di mo ko namiss?" Saad nya na naka pout
"WAHHHHH nakadrugs kaba" saad ko at pinaghahampas sya
"Ouch" saad nya at napahawak sa mukha nakayuko
"WAHHHHH anong natamaan ko" saad ko kaya tinignan ko sya
Na parang namimilipit sa sakit
"Hoy ace okey kalang?" Nagaalala kong tanong ar lumapit sa kanya para tignan
"Hoi" saad ko pa
"Anong masakit?" Nag aalala kong tanong
"Puso ko" saad nya at tumingin saken habang nakahawak sa dibdib nya
Kaya sinamaan ko sya ng tingin habang natatawa sya
"Mahal na mahal mo talaga ko kaya di moko matiis" saad nya at natatawa
Di ko na mapigilan
Nahihiya na ako ngayon
Bakit ba hindi ako magalit galit sa ginagawa nya saken
Di ako makapagsalita habang nakatingin sa kanya
Sa totoo kaya ko yon eh pero bakit ganon?
Natapos na ang kainan at nakatulala akong ngumunguya
"Zoe okey kalang?" saad ni calyx na may hawak na juice
Kaya kinuha ko yon at nakatulalang ininom
nagulat ako ng pitikin nya ang noo ko
"Aray" saad ko
"ARAY ANG SAKET NON HA" sigaw ko sabay batok sa kanya
"ouch" Pag mamaktol nya
At agad kong ikinatawa
Ang kyut kyut nya
"Oh ngayon natawa ka naman" saad nya at napangiti
______________
Aray ang sakit na ng paa ko huhu
Naglalakad na kami para mag hike
Naakita ko naman si Ace na nasa likod
Iniiwasan ko talaga sya kaya nandito ako kila kevin
Di ko alam pero hanggat kaya ko syang iwasan iiwasan ko sya
Lagi nalang syang sumusulpot sa buhay ko at ngayon sa isip ko naren
Ginugulo nya buhay ko
Habang naglalakad ako bandang likod nako dahil sa bagal ko maglakad at tinatamad
Naramdaman ko narin ang hikab ng pagkaantok
Malamig ang simoy ng hangin at maganda ang lugar ngunit di parin ako komportable
Natama na samin ang sinag ng araw
Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng panghihina kaya nagpahinga ako sa gilid habang naglalakad sila
At sa panghuli na ako muling tumayo
Sa paglalakad ko ay di ko namalayang natapilok ako dahil sa batong nakaharang
"Ahh!" saad ko ng napaupo
Ang sakit!
Walang nakakita saken dahil medyo malayo na ako sa kanila
Nang patayo ako at paika ika maglakad ay nagulat ako ng nakita ko si ace
Kaya binuhat nya ako
"WAHHHH HOI BITAWAN MONGA AKO" saad ko habang hinahampas ang likod nya dahil para akong bigas na binuhat nya
Nagulat ako ng iniupo nya ako sa malaking bato
di parin sya naimik
Nangako ako na di ko na siya papansinin pero dahil sa ginagawa nya
Paano ako iiwas kung sya na ang lumalapit
Nagulat ako ng tanggalin nya ang sapatos ko
"HOI ANONG GINAGAWA MO" pagalit kong tanong
"Huwag ka ngang maingay" saad nya habang nakahawak sa paa ko
Tinanggal nya ang suot kong sapatos at dahan dahang ginalaw ang paa ko
"Aray-" saad ko
"San banda masakit?" Tanong nya ngunit di ko ito pinansin at tumingin sa ibang direksyon
"Walang masakit kelangan ko nang maglakad" saad ko at akmang tatayo na ng
"Dyan kalang" seryoso nyang saad na ikinagulat ko
May kinuha syang panyo sa bulsa at pinulupot nya iyon sa paa ko
"Hindi ka kase nagiingat" saad niya habang tinatali iyon sa paa ko
"Ano ba kaseng pake mo?" Pag mamataray ko ngunit nilalabas ko lang ang tapang ko ket di na kaya
Bigla nalang syang sumusulpot at nakakatakot na
"Halika na" saad nya
Kaya tumayo nako at naramdaman ko ang sakit ng paa ko ngunit inayos kong tumayo para di nya mahalata
"Ang layo na tuloy nila kasalanan moto" saad ko sa kanya at naglakad na ng-
"WAHHHHH" gulat ako ng buhatin nya ako ng nakapasan
"Hoy ibaba mo nga ko kaya ko namang maglakad" saad ko ngunit di nya pinansin
At naglakad nalang
Kanina pa ko nagpapababa ngunit di nya pinapansin
Bat ang weird mo minsan nakakainis
Hanggang sa napagod na ako mag salita at di na nagsalita
Malakas sya. Andito na kami sa likod ng ka school mate namin
Ang bilis nya lang akong binuhat at naglakad ng parang walang buhat
Di naman ako ganon kapayat at kagaan pero parang di siya nabibigatan
Nilagay ko nalang ang kamay ko sa leeg nya at di na nagsalita
Seryoso lang syang naglakad at para bang may iniisip
habang ako ay nakatingin lang sa dadaanan at iniiwasan kong lumapit sa kanya
"SO GUYS DITO NA TAYO MAGPAPAHINGA" saad ng guide at binilang kami kung kumpleto ba o may kulang
Binaba ako ni ace sa isang gilid at umalis sya
Di ako nakapag thankyou pero wag na
Ang creepy talaga nya hays
San na naman ba yon?
Ano kayang ginagawa non?
Hmm nag oonline d**g seller ata yon
Ano bang pake mo Zoe? Wag mo na nga syang pansinin.
At nakipagkwentuhan nalang ako kay sophia
pero di ko maiwasang di magisip ng tungkol sa ginagawa nya