CHAPTER 2

1038 Words
"Anak?" Tawag sakin ni mama habang naghuhugas ako ng plato. "Bakit po mamshie?" Sagot ko habang naghuhugas. "Hindi mo naman kailangang magtrabo" hayss yan na naman ang topic namin. Paulit ulit nalang si mama naku ma, unli ka. "Mama naman pinagusapan na natin 'to diba?" Sagot ko. "Ma tutulong ako nasa legal age naman na ako" pahabol ko. "Pero diba dapat nagfofocus ka sa pag aaral mo? Hindi ka makakapag focus kung pinagsasabay mo yung dalawa" sabi ni mama. "Ma, pinagbubutihan ko naman mag aral kaya wala akong problema sa pag aaral ma, magtiwala lang kayo sa akin Ang angas ko kaya sa School" pabiro kong sabi kaya natawa naman sya. Pero totoong Maangas ako. Nagdaldalan lang kami ni mama habang nag lilinis ng bahay. Tuyo at pancit canton ang ulam namin pero the best parin kaya 'to. Tinuturuan ako ni mama magluto kapag malaki ang kita nya bumibili kami ng sangkap pang adobo, sinigang at iba pa pero minsan mababa ang kita kailangan naming mag tipid. Sa totoo lang si Calyx katabi lang ng bahay namin pero sa mamahaling apartment sila nakatira at yung apartment na yun katabi ng bahay namin. Kilala ko na sya simula pa nung bata kasi si Kevin ako at si Calyx ay matagal ng naglalaro sa labas nung bata ako kaya 'yon doon ko sila nakilala. Syempre sila ang tropa at kaibigan ko. Diba astig 2 in 1 ______________ Nakakapagod haysss. Humiga na ako pag tapos naming kumain. Eto ako magtatrabaho na bukas dahil na contact ko narin yung manager don at pinuntahan ko narin sya kanina kasama sila Calyx at Kevin. So yun masaya akong magsisimula na agad ako bukas. Malapit lang sya sa School at medyo malayo naman sa bahay namin. Ibig sabihin malayo parin pero okey lang, 1:00 Pm naman ang schedule ko kaya hayahay muna ako. Hays, Nappahaba ang kwento ko makatulog nanga. _______________ "WAHHHHH!" sigaw ko sa sobrang init at pagod ko. Andaming address ang binigay sa akin para mag-deliver grabe naman pa welcome nila. Pero ang totoo para lang talaga 'to sa lalaki nakiusap lang ako sa manager at pinakitaan ko sya ng muscle ko sa braso para maangasan at yun si Calyx ang kumausap nagalit siguro sakin. Pero okey lang kaya ko 'to. Naligaw na ako sa dami ng address grabe buti naman hindi pa ako nagkakamali kung 'di goodbye trabaho na ako. Ang init ng araw lalo na tong mainit na uniform namin sa trabaho. Isama pa natin ang ka-hotan ko grabe talaga. "Eto po ma'am order nyo po" sabay abot ko ng paper bag na may food malamang. Lipat ulit. Bike lang gamit ko kasi hindi naman ako marunong mag motor. "Hello po eto na po order nyo" saad ko at inabot sakin ang bayad. "Hi po order nyo po" wahhh pagod na koo. Nagsisimula palang ako pero parang katapusan ko na. "Ang init!". Hindi naman ganito kahirap tinatrabaho ko dati. Nasayaw lang ako sa bar.Nagbody guard narin ako kase malaki katawan ko. Ako rin ang taga tikim ng pagkain ng mayaman para malaman kung may lason ba o wala yung pakain. Pag namatay ako may lason yung food, Joke lang. Last na trabaho ko is waiter sa coffee shop.Oa lang talaga ako. Gabi na at yess salamat last na 'to!.Tinali ko muna ang buhok ko at inayos ang uniform ko para sa huling costumer. Gora na 'to. Nasa harap ako ng malaking gate at wow, dream house ko to!.Ang ganda at napakamodern.Magkakaroon rin ako nyan next life.Mas maganda pa dyan. Naglakad na ako para mag doorbell dahil tulog na tulog na ako dahil libre naman ang kinain ko kanina bilang pag welcome sakin ni manager nabusog ako tulog nalang ang kulang. DING DONG! DING DONG!. Yan dalawang beses na para sure, Gusto ko nang magpahingaaa.Tumingin ako pero wala paring lumalabas. "Scam bato?" Saad ko at nag doorbell ulit. Bukas ang ilaw imposibleng walang tao. Nagulat ako ng may kumalabit sa balikat ko dahil sa takot ko dahil madilim na dito uso ang masamang tao kaya huminga ako ng malalim at "WAHHHH!" hinampas ko sa kanya yung pagkain kaya nabutas ito at natapunan sya ng pagkain. Omgg sayang yung pagkain. "Ikaw?" Gulat kong tanong nang humarap ako sa kanya.Natawa naman ako dahil nahampas ko sa kaniya ang hawak ko "sa wakas nakaganti narin" saad ko ng may kahinaan. Nakita kong masama ang tingin nya sakin. Kaya may naalala akong ikinagalak ko dahil nakaganti narin . Tumawa ako ng mahina ngunit ang tingin niya parang may binabalak. Kaya kinabahan ako at kinuha niya ang phone niya. "I just need to report someo-" hindi nya na naituloy ang sasabihin nya ng hinablot ko ang cellphone at pinatay ang call Ayokong mawalan ng trabahoo Ang hirap kaya mag hanap, Ano ba tong ginawa mo Zoe. "SANDALII PAG USAPAN NATIN TO?" Saad ko at tinago ko ang Cellphone nya sa likod ko kinukuha nya ito pero hindi ko binibigay. "Hindi ko naman alam na ikaw yung nag order eh" saad ko pa at nagmamakaawa na. "Okey, Madali lang akong kausap" sabi nya at ngumiti ng nakakaasar mukha siyang pwet. Mukhang ako ata ang kawawa dito. "Oo tama! Magusap tayo wala namang tanggalan ng trabahoo!" Sagot ko pa at tumango tango. "Ibalik mo muna cellphone ko" saad nya at agad ko itong binigay ng bigla sya tumalikod at nag contact ng number. "WAHHHHHH NANGAKO KAAA!" Sigaw ko habang inaagaw sa kanya yung cellphone nya. "Wala kaya akong sinasabing nangangako ako" saad nya habang tinataas ang cellphone nya para hindi ko maabot habang ako naman todo talon na. "HUWAG NAMAN GANYAN" pakiusap ko."Sige dahil tinapon mo sa akin ang kakainin ko lulutuan moko" saad nya at ngumiti. Psh, ang pangit mo. "Ayoko nga yaya mo ba ako?" Saad ko at tinarayan sya."Ok" sagot nya at may kinontact ulit."OO NA LULUTUAN NA KITA!" sigaw ko. "Good" saad nya at Kumuha sya ng susi at binuksan nya yung gate na nasa harap ko. "BAHAY MO YAN?!" gulat kong tanong. "Malamang may susi ako diba?" Seryoso nyang tugon. "SERYOSO?! MUKHA KANG PULUBI TAS SAYO YAN?!" Tanong ko at sinamaan na naman ako ng tingin. "Joke lang" sagot ko na nakapiece sign at hindi na nagsalita. Masyado nang delikado pag pumalag pa 'ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD