Nakatingin ako sa likuran ni Harold habang tinatahak namin ang daanan sa hallway paalis ng school. Napapahinto ang mga studyante na nadadaanan namin para bumati sa kaniya. May mga ilan na tumitili sa gilid. Napakurap ako nang bigla siyang huminto dahilan kung bakit rin ako huminto. Nang lumingon siya sa akin ay nakita kong gumilid ang labi niya na tila ba ay pinipigilan na mangiti. “Faster,” aniya sa walang boses. Agad akong tumalima at naunang maglakad sa kaniya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya na tila ba ay tuwang-tuwa sa ginawa ko. Lumabi ako sa kaisipang pinagkakatuwaan niya ‘ko. Pagkalabas namin ng campus ay naroon si Lee. Nakita ko kung paano nila salubungin ni Harold ang isa’t-isa. Nag bro hug sila habang marahang tinatapik-tapik ni Lee ang likuran ni Harold. Pinagsingkit

