Nagkulong ako sa kwarto pagkauwi namin. Kasama ko si Oprah para lang hindi ako matakot. Pagkatapos kong maligo ay pinili kong matulog sa kwarto ni Mr. Shein kahit na sobrang dilim ng kwarto niya. Yakap-yakap ko ang unan habang nakapikit. Hindi ko alam kung bakit masama ang loob ko kay Harold. Nagtatampo ako sa ginagawa niya. Mas lalo lang sumama ang kalooban ko na kahit alam niyang galit ako sa kaniya ay hindi man lang niya pinilit na kausapin ako. Na para bang balewala lang sa kaniya ang nararamdaman ko. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan. May naaamoy akong pagkain. Bumangon ako ngunit nakasara na ang pintuan. “Mr. Shein?” tawag ko nang hindi ko makita ang mukha niya. Naramdaman kong inilapag niya ang pagkain sa mesa bago lumapit sa ‘kin. Wala siyang sinabi na kahit ano ngunit naramda

