Nang magising ako kinabukasan ay tumambad sa ‘kin ang mukha ni Mr. Shein na puno ng pasa ang mukha. Sa sobrang gulat ko ay agad akong napabakod at nag-aalalang hinawakan ang magkabilaang pisngi niya. “Anong nangyari sa mukha mo?” nakita ko ang bahagyang pagngiwi niya at pagdaing nang masagi ng kamay ko ang sugat sa labi nito. “Kinagat lang ako ng lamok,” aniya at pinipigilang mangiti bagay na ikinasimangot ko. “Anong nangyari sa ‘yo?” ulit ko sa seryosong tono. Gumilid ang labi niya at ngumiti sa ‘kin. Malamlam ang mga mata habang hinawakan ako sa pisngi. Inilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko at hinawakan niya ako sa likuran ng ulo ko at inilapit sa kaniya saka ako hinalikan sa noo. “Don’t worry about me, love. I’m fine. Really.” Bakit ba ayaw niyang magsabi sa

