Tahimik ang tatlo habang binabaybay na nila ngayon ang daan papunta sa mansion ng Shein. Isa’t kalahating oras ang byahe para makarating doon. Agad na sinama na nila si Lorelay kahit na iyon lang ang suot. Hindi rin alintana ni Lorelay ang lamig sa labas kanina at sa sasakyan dahil naka sentro ang isipan niya sa asawa niya. Hindi alam ng tatlo kung ibibigay ba nila ang jacket na suot nila kay Lorelay o hindi. But in the end, TG take off his jacket at nilagay sa balikat ni Lorelay. Ni nakalimutan na nga nito magsuot ng tsinelas. Tahimik lang ang apat. Hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila kay Lorelay. Si Lee na nakatingin sa salamin habang nagmamaneho ay nakaramdam ng awa para dito. ‘Matagal na hinintay ni Shein ‘to Ms. Lorelay. I’m happy that you’re now reciprocating his feelings

