Agad kong pinasyal si Edmund at si Shiela sa bahay. First time nila dito sa ‘min kaya natutuwa ako sa reaction ni Shiela. Kasama ko sila sa garden at nagkakape kaming tatlo. Dito dati ang lugar kung saan ko nakita si Lee na inakala kong si Mr. Shein. “Lor, pagamit ng banyo ah.” Sabi ni Edmund kaya tumango ako. “Sabihan mo lang si manang para ituro niya sa ‘yo saan.” Sabi ko at tumango naman siya bago umalis. "Cheyka ka na!" Sabi ni Shiela pagkatapos makaalis ni Ed. Natatawang umikot ang mata ko at napailing. "Wala naman. Ganoon pa naman kami," sagot ko at ininom ang kapeng nasa tasa. "Grabe ka! Hindi mo naman sinabi na buhay reyna ka pala dito." "Hindi ah," angal ko kay Shiela. Paanong naging buhay reyna ako dito? "Kwento mo naman tungkol sa inyo ni Harold. Ang damot nito mag kwento.

