“Totoo ba ang balita?” agad na naibaba ni Lorelay ang dyaryong hawak niya nang marinig ang mga marites sa gilid niya. Kaka-apply lang niya nang trabaho ngunit pakiramdam niya ay hindi siya matatanggap agad. “Naghahanap daw ng mapangasawa iyong matandang nakatira mag-isa sa Upper.” Napailing si Lorelay. ‘Ano ba naman ito? Nakuha ko pa talagang makipag marites e wala pa nga akong nakukuhang kalahating milyon na pera.’ Kausap niya sa sarili niya. “Balita ko nga ay malaki ang halagang kapalit. Siguro tama nga iyong sinabi ni Jax na pangit at matanda na ang nakatira doon. Malaki ang kapalit e. Kalahating milyon daw,” sagot no’ng babaeng kausap no’ng isang ale. Parang lumaki bigla ang tenga ni Lorelay nang marinig ang sinabi no’ng mga ale sa tabi niya. Parang may light bulb bigla ang limtaw s

