10 years ago
Hinihingal na nagising ako mula sa pagkakatulog. Palagi akong binabangungot ng gabing iyon. Gusto ko mang kalimutan, ngunit hindi ko magawa.
Malakas ang buhos ng ulan ng lumabas ako ng bahay. Sinalubong ako ni Sita, ang katulong na pinagkakatiwalaan ni mommy sa bahay.
“Sir Oliver, saan po kayo pupunta?” hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakasalubong ko si Richmoon. May dala siyang sasakyan at nakababa ang bintana.
“C’mon, Ho.” Nagmamadali akong pumasok at hinubad ang raincoat na suot. Agad na ibinato ni Richmoon ang lata ng beer sa ‘kin na agad kong sinalo bago niya paandarin ang sasakyan papunta sa school.
Dahil malakas kami sa guard, agad kaming pinapasok. Nakaabang na si Lee sa harapan at kunot ang kaniyang noo habang hawak hawak ang ballpen. Bago ako lumabas, kinuha ko ang sumbrero ni Richmoon na nakita ko sa upuan.
“Ang tagal niyo Shein. Late na ako sa last subject ko.” Hindi na ‘ko sumagot at nagtuloy-tuloy lang sa office ni tito- papa ni Lee.
“Oh Oliver, anong ginagawa mo dito?”
“Can we stay here tito? Observe lang kami.” Pinagsingkitan niya ako ng mata. Hindi siya makakahindi sa ‘kin lalo na’t matalik sila na magkaibigan ng mga magulang ko.
“Richmoon is here too?” tumango ako sa tanong niya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. “Fine. But promise na hindi kayo gagawa ng kalokohan dito.” Ngumiti ako sa kaniya bago umalis sa office niya.
“Pumayag na Ho?” tanong ni Richmoon pagkalabas ko. Tumango ako at agad silang nag apir ni Lee. Napailing nalang ako at dumiretso sa gymnasium. Plano nilang maglaro ng TWD sa office ni tito and I’m not in the mood to join them. Nagtuloy-tuloy ako doon, at dahil alas tres na ng hapon at maulan ay wala ng tao pwera sa iisang babae na sadya ko dito.
Gumilid ako sa madilim na parte ng gym. Malakas ang ulan na sinasabayan pa ng hangin. Malungkot akong nakatingin sa kaniya. Kung sana ay napilan ko lang, may nagsusundo na sana sa kaniya ngayon.
Masiyado pa siyang bata para akuin lahat ng responsibilidad na nakapatong sa kaniya. Pinagmamasdan ko siya habang nagbabasa. Kumunot ang noo ko nang makita kung gaano siya ka seryoso dito.
‘Anong ginagawa niya?’
Inayos ko ang sumbrero saka lumapit ng bahagya sa kaniya. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad para hindi niya mapansin nang bigla siyang nag-angat nang tingin sa ‘kin dahilan kung ba’t ako natigilan.
What should I do? Matatakot ba siya? Sisigaw? But hindi ko naman siya sasaktan. None of the above she do. Yumuko siya ulit at binasa ang nasa notebook niya. Nang silipin ko ito ay puro mga math formula ang nakikita ko.
Kumunot ang noo niya at nakita kong mukhang nahihirapan siya. Umupo ako sa tabi niya.
“A-Ano.. I can help you with that.” Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Salamat sa sombrero kaya alam kong natatakpan ang bandang itaas ng mukha ko ngayon.
“Talaga po kuya?” nabigla ako sa sinabi niyang kuya. Do I really look old? Kunot noong kinuha ko ang notebook niya. “Ang ganda.” Natigilan ako nang marinig ang sarili ko na sinabi iyon.
“Talaga kuya?” nang tumingin ako sa kaniya ay natigilan ulit ako nang makita ang biloy sa pisngi niya. Ang ganda ng pagkakangiti. Iyong tipong matitigilan ang lahat, panoorin lang siya.
Tumingin ulit ako sa notebook niya. Sobrang ganda ng pagkakasulat niya. Kahit iyong mga mali ay hindi sakit sa mata tignan. Sinimulan ko ng unawain ang nasa notebook niya. This is easy. Quadratic equation.
“Medyo nahihirapan po kasi ako diyan. Ang totoo, nahihirapan ako sa math. Kung buhay lang sana-“ natigilan siya sandali at ngumiti. Hindi nalang ako nag komento at pinagpatuloy na sagutan ang ilan sa mga nasa notebook niya.
Nagtira ako ng dalawang sasagutan niya. Binigay ko sa kaniya ang notebook at ballpen. It’s my first time tutoring someone. “Math is very easy. Take a breathe and learn to enjoy it. Lahat may formula, as long as you know it wala kang magiging problema.”
I put some notes how to solve the others in step by step process bago ako tumayo para umalis.
“Kuya-“ tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya.
“Ah- my name is Lorelay. Thank you for helping me.” Ngumiti ako at tumalikod sa kaniya. I know who you are. Please be safe always.
Limang buwan ang lumipas, naging abala ako sa finals ngunit lagi pa rin inaalam ang kalagayan niya. Nasa kwarto ko ako kasama si Richmoon at Lee na nagri-review para sa finals.
“Shein, someone is calling you.” Tumayo ako at kinuha ang cellphone na nasa tabi ng lampshade.
“Sir, they are leaving.” Kumunot ang noo ko at sandaling natigilan.
“What? What are you talking about?”
“Uuwi na po sila ng probinsya sir. Biglaan ang pag-alis nila.”
“Anong nagyari Ho?” rinig kong ani ni Richmoon.
“Sundan mo sila. Send me the details kung saan sila lilipat.” Nang ibaba ko ang tawag, sinunod kong tinawagan si Dad.
“Shein, what happened?” it was Lee.
“Lilipat ako ng school.” Sabi ko sa kanila.
“No way!” React ni Lee but hindi ko na pinansin ng sagutin ni Dad ang tawag. I’m asking if papayagan niya na ba akong tumira mag-isa. Either way, pumayag man siya o hindi, susundin ko pa rin ang gusto ko.
-----------
“Kung hindi ko lang alam ang lahat ng dahilan kung bakit mo ginagawa ito, iisipin kong stalker ka niya.” Narinig ko silang natawa ni Lee. Hindi ako nag react sa dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin kaya tumahimik sila.
“She needs me.”
“Sila buong pamilya ang tutulungan mo Ho. Hindi lang siya. And besides ang bata pa no’n.” Tumalikod ako sa kanila at pinagpatuloy ang pag-iimpake. Kunot noo kong tinupi ang mga damit na dadalhin ko. Anong mali sa sinabi ko?
“It’s still the same.”
“It’s not Shein. May buhay ka dito. You should not forget that.”
What are they talking about? I’m just helping her- them. They are my responsibility. They are so nosy.
When I arrived, agad akong sinalubong ni Tom Glenn. A friend of mine na kasalukuyang anak ng mayor ng bayan.
“Buti at naisipan mong tumira dito Shein. Sila Richmoon?”
“Bibisita lang sila dito. They are fine.”
“Balita ko ay ipapakasal ‘yon sa anak ng business partner ng papa niya.” Natawa ako sa sinabi niya. Maybe it’s true. Walang alam ang loko dito. Hindi pa yata siya nasabihan ni tito.
“He don’t know?” gulat na tanong ni TG. Umiling ako at natawa sa reaction niya. “Don’t worry. I won’t tell him. Mabuti ngang matali na siya at nang magtino.” Sabi ko at nailing.
“Wow. Coming from you!” Sarkastikong sabi niya. Sinamaan ko siya nang tingin na tinawanan niya lang.
“Don’t worry. I already told dad about them. Pwedeng mag trabaho ang mama niya sa munisipyo.” Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya.
“Thanks man.”
“You’re preparing your future, aren’t you?” tumingin ako sa kaniya at nginisihan siya.
“You’re talking figuratively, am I right?” nagkibit balikat siya. “I don’t know what you’re talking about.” Pagdi-deny niya.
Sasagutin ko na sana siya nang maagaw ang attention ko sa babaeng lumabas galing sa maliit na bahay at dumiritso sa tindahan na nasa harapan lang ng bahay nila.
“Yeah. I’m preparing my future.” Narinig ko ang malutong na mura ni TG sa gilid na hindi ko na initindi. My eyes settled only to her.