It’s another day for us. Napangiti nalang ako habang iniisip na ika sampung buwan ko na ito dito sa bahay ni Mr. Shein at bilang asawa niya. Hindi namin na e selebra ang mga monthsary namin noon dahil wala rin sa isipan namin, pero ngayon, gusto kong e selebra ang ika 10th monthsary namin dalawa. Hindi ko pa kasi nagawang mag celebrate ng monthsary dati dahil wala namang nagtangkang manligaw sa akin. Hindi ko na nga alam kung pangit ba ako o sadyang hindi lang ka akit-akit na wala man lang niisang nagkagusto. Though, okay lang naman na wala dahil wala naman akong planong mag nobyo noon. Pero malay naman natin kasi what if nga, may nanligaw tapus nagustuhan ko pala? Kinuha ko ang bracelet na bigay ni Edmund na nakatago lang sa bulsa ng bag ko. Limang buwan ko na itong hawak but hindi ko

