"Salamat Hijo, sa pagpunta mo rito. Salamat din sa mga pasalubong mo sa 'min," wika ng kaniyang ina. Nagtaka siya kung ano ang sinasabi nitong pasalubong. Hmm. May pasalubong din sa kanila si Lune Bleue? Ano kaya 'yon? Tiningnan niya sa mga mata ang kaniyang ina. Bigla namang iniwas nito ang tingin sa kaniya dahil alam nitong magagalit siya sa pagtanggap nito ng mga ibinigay ng kaniyang boyfriend. "Walang anuman po 'yon, Tita. Mabuti nga po at nagustuhan ninyo po nang sobra," wika ng binata. "Paano ko naman hindi magugustuhan 'yon, eh matagal ko nang pangarap ang magkaroon ng..." Bigla itong napahinto ng pagsasalita, nang muling tiningnan niya ito sa mga mata. "Ano ba 'yon?" tanong niya rito. "Wala naman," sambit ng kaniyang ina. "Ah, wala. Salamat nga pala sa regalo mo sa 'kin, ha?"

