Lumipas ang mga araw na binabalot siya nang sobrang lungkot. Hinahanap-hanap niya pa rin ang pagmamahal ng kaniyang boyfriend. Minsan, naisip niya na puntahan ito upang muli siyang magmakaawa rito na magkabalikan sila pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili dahil wala man lang siyang mapapala rito. Nakailang send na rin siya ng message rito pero kahit ni isa ay wala itong reply. Hindi na siya nagtataka kay Lune Bleue dahil kahit noon pa man ay talagang napaka-cold-hearted ng taong iyon. "Mama, hindi pa rin po ako makahanap ng trabaho," bungad niya sa kaniyang ina na busy sa paglilinis. Ang totoo ay hindi naman talaga kasi siya naghanap ng trabaho dahil ang pinuntahan niya ay ang mga lugar na napuntahan na nila ng binata. Miss na miss niya na ang binata kaya lagi niya itong tinatanaw sa

