"Kailangang matapos mo ito ngayon, dahil kailangan ko ito bukas ng umaga, pagkatapos mo itong gawin ay ilagay mo na lang sa table ko," bungad sa kaniya ng kaniyang boss nang lumapit ito sa kaniya dala ang mga papeles, at ipinatong iyon sa table niya. Hindi ba siya nagbibiro? Tss. Mag-a-alas tres na, ah. Hays, sakit nga talaga sa ulo ang lalaking ito. "Okay, sige po," sagot niya rito kahit parang gusto niya na talaga itong pagsalitaan ng kung ano-ano. Talagang ngayon pa, kung kailan may pupuntahan kami mamaya. May araw rin sa 'kin ang lalaking ito. Aniya. "Aalis na ako kasi I have an important meeting," paalam nito sa kaniya. Pakialam ko sa 'yo! Kahit 'wag ka ng bumalik pa rito. Wika niya sa kaniyang isip. "Sige po, Sir. Ingat po," sambit niya rito. Nang makalabas na ito ng opisina ay

