Three months later . . . "Mama!!!" Bulalas ni Yoona na animo'y emergency kung makasigaw. Bigla namang lumapit sa kaniya ang kaniyang ina at alalang alala ang mukha nito, "O, bakit, anak? Anong nangyayari sa iyo?" bungad ng kaniyang ina. "Mama, ang daming nag-chat sa 'kin simula ng i-post ko 'yong bini-bake ninyong tinapay at may iba po na nag-comment na natikman na raw nila at legit ang sarap! Kyaaaaa! Thank you, Lord! Thank you, Lord talaga!" Bulalas niya at kumembot-kembot pa siya sa tuwa. "Talaga ba, anak? Naku, isang malaking blessings 'yan na ibinigay ng panginoon!" Halos maiyak ang kaniyang ina sa sobrang tuwa, "Sige 'nak, dadamihan ko ngayon ang gawa ko kasi sayang, eh. Ilang packs ba raw ang order nila?" Tuwang-tuwa ang kaniyang ina habang nagsasalita ito. "Opo, Mama. Wait la

