Binigyan si Yoona ng mga damit ng mayordoma. Maraming damit ang nasa resthouse na kailanman ay hindi pa nasuot. "Señorita, heto po ang suotin mong swimsuit. Sigura akong bagay na bagay sa iyo 'yan," sambit ni Mrs. Linda. "Sige po," tugon niya rito at kinuha niya naman ang iniabot nindo swimsuit. First kong magsusuot ng ganito. Sana naman bagay sa 'kin ito. Wika niya. "Sige po, Señorita. Ikaw na lang pong bahala sa mga damit na 'yan," paalam nito. "Okay po. Salamat po, Mrs. Linda," tugon niya rito. Tumayo na ang mayordoma at umalis na ito. Maraming dinalang damit ito sa kuwartong tutulugan nila ng kaniyang boss. Bahala siya sa buhay niya, basta ako matutulog ako rito sa kama, sa lapag na lang siya kung gusto niya! Bisita ako kaya kailangang ako ang matutulog sa kama. "O, binigyan

