Masaya ang bungad ng umaga ng magkasintahan. "Good morning, mahal ko!" bati sa kaniya ni Lune Bleue na kanina pa gising. Dinalhan na rin siya nito ng agahan. "Hmm." Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniyang ang mukha ng napakaguwapo niyang boyfriend. Kahit hindi na siya mag-agahan ay busog na siya hotness nito. "Good morning, my Moon!" bati niya rito. Lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya ng sunod-sunod sa mukha. "Mwuuah! Mwwuuah! Mwuuah!" Sobrang sweet nito sa kaniya. "Hahaha! Nakikiliti ako, tama na!" hiyaw niya. Nginitian lamang siya nito. Tinulungan na rin siya nitong bumangon para makapag-agahan na. "Bakit mo ako dinalhan ng almusal rito? Nakakahiya naman kay Lola," sambit niya. "Si Lola nga ang nagsabi na dalhan na kita ng agahan rito. Saka hindi l

