Chapter 62

1420 Words

"Ate, ano ang nangyari sa 'yo? Sabi ni Mama nabaril ka raw," bungad ni Avery sa kaniya, nang lumabas siya mula sa kaniyang kuwarto. Masakit na masakit ang buong katawan niya, pakiramdam niya ay parang hinampas ng kung anong bagay ang kaniyang buong katawan. "Oo, nabaril ako pero 'wag kang mag-alala dahil malayo pa ito sa bituka at kamatayan," biro niya. "Ate naman, nagagawa mo pang magbiro pero kumusta na ba 'yong pakiramdam mo?" tanong nito. Kahit minsan, parang aso't pusa sila pero makikita pa rin na talagang mahal nila ang isa't isa bilang magkapatid. "Okay lang naman ako pero sobrang sakit talaga ng buong katawan ko, eh," wika niya. "O, Yoona, gising ka na pala, dapat hindi ka na muna bumangon. Dadalhin ko na lang sana sa kuwarto mo ang iyong agahan," wika ng kaniyang ina. "Hayaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD