Halos maluha na siya sa sinasabi sa kaniya ng mommy at daddy ni Lune Bleue. Nabigla siya sa nalaman niya na kapatid pala ng kasintahan niya ang nabangga ng papa niya twenty years ago. "Hindi po mamamatay tao ang papa ko, alam ko pong hindi sinasadya ni Papa na mabangga ang anak ninyo," giit niya sa mga ito. "Hindi mamamatay tao at hindi sinasadya? Namatay na nga ang anak namin, ang kapatid ni Lune Bleue na si Prince tapos ngayon sasabihin mo hindi sinasadya at hindi mamamatay tao ang ama mo?!" wika ni Phoebe. "Mommy, that's enough!" saway nito. Tiningnan lamang siya nito. Kitang-kita sa mga mata ng binata na naaawa siya kay Yoona pero hindi niya alam kung saan siya kakampi, nangako pa naman siya sa puntod ng kapatid niya na kahit anong mangyari ay hindi niya palalagpasin ang nakabangga

