Chapter 3

1221 Words
Sumasakit talaga kasi ang kaniyang ulo lalo na kapag sobrang init ng panahon. Dati naghanap rin siya ng pag-a-apply-an sa Mandaluyong malapit sa Addition Hills, nagulat siya ng biglang nagtakbuhan ang mga tao sa dinaanan niya dahil sa sunog tapos nakarating na rin siya ng Taguig, Boni at iba pang parte ng Mandaluyong. Ngayon, dito lang muna siya sa Makati, susubukan niyang mag-apply muli rito para makatipid dahil lalakarin niya lang. Buti na lang talaga may sariling bahay sila rito sa Makati, naiwan ng mga magulang ng kaniyang ama. Konkreto ang bahay nila kahit maliit lang. Sabi kasi ng Papa niya, may negosyo ang mga lolo niya rito dati pero nabagsak daw iyon. "Sige 'nak, ako na lang maghuhugas ng kinainan mo," sambit nito. "Hindi po Mama, ako na lang po," sabi niya at hinugasan niya ang pinggan at kubyertos na kaniyang ginamit. Nagsipilyo na rin siya at pagkatapos ay nagbihis. "Wow! Hahaha, mukhang kakaiba ang aura mo ngayon, Ate! Parang aura ng matatanggap na sa trabaho, hahaha," bulalas ni Avery at tumawa ito na parang nang-iinsulto. Napalingon din ang kanilang ina at napakunot-noo ito, "'Nak, anong ginawa mo sa mukha mo?" aniya na parang pinipigilang tumawa. "Nag-make up po ako, bakit po?" sambit nito. Huminga ng malalim si Avery, "Teka lang Ate, hintayin mo ako," sabi ni Avery at pumunta ito sa kwarto niya at nang pagbalik ay dala-dala na nito ang make-up kit na regalo ng mama niya sa kaniya nang graduation niya, para daw may magamit niya 'pag nag-apply siya ng trabaho at 'pag nagkaroon na siya ng trabaho. "Maupo ka rito, Ate," sabi ni Avery kaya umupo naman siya. Kumuha ito ng towel na basa at pinunasan ang buong mukha niya. "Anong ginagawa mo?" nakakunot-noo niyang tanong. "Relax lang, Sister! Pumikit ka," sambit nito. "Siguraduhin mong matino ang ginagawa mo!" singhap niya. "Oh, 'ayan! Binibining-binibini ang dating!" iniharap nito sa kaniya ang salamin na nasa make-up kit. Grabe! Hindi siya makapaniwala na sobrang galing pala ni Avery maglagay ng make-up. "Whoah! Kailan ka pa natutong maglagay ng make-up ha? Ang ganda!" Feeling niya, parang beauty queen ang ayos niya ngayon. "Oo, nga ang ganda at ang galing mong maglagay ng make-up 'nak!" manghang sambit ng kaniyang ina. "Matagal na po akong marunong kasi napag-aralan namin 'yan sa TLE subject namin dati at pangarap ko po talagang maging make up artist at fashion designer na rin po," sabi ni Avery at ngumiti ito. "Ipagpatuloy mo lang 'yan, Bunso," sabi niya rito. "Ate naman! Sis na lang itawag mo sa 'kin! Kapag ikaw kasi ang tumatawag niyan sa 'kin, feeling ko parang ang liit-liit ko pa," inirapan siya nito. "Oo, na! Pasensya na po, Sis! Thank you nga pala sa pag-ayos mo sa mukha ko," ngumisi siya. "Alam mo Sis, napahanga mo talaga ako sa galing mo!" "Hala! Si Mama, nakiki-sis na rin, hahaha!" nagkasabay pa ito at si Avery at nagtawanan na lang sila. DALAWANG company na ang kaniyang pinuntahan pero palaging no vacancy, saan na lang ba siya mag-a-apply? Tagaktak na naman siya ng pawis. Nawala na rin ang kaniyang make up dahil nakasabay na sa pagpunas niya ng pawis sa mukha niya. Nakakapagod na. Hays. Sumasakit na rin ang mga paa niya dahil sa paglalakad. Tanghali na, oras na para mananghalian. Uuwi pa ba ako? Malayo-layo na rin ang nilakad niya. Kung uuwi siya, kukulangin na siya sa oras dahil maglalakad na naman siyang muli, mula sa bahay hanggang dito. Sa'n kaya pwedeng kumain dito? Syempre, 'yong pinakamura. Nilibot niya ang kaniyang paningin at nakitakniya ang 7-Eleven. Mag-ka-cup noodles na lang ako para naman kahit papaano'y mainitan man lang ang tiyan ko, kahit walang kanin. Aniya sa kaniyang isip. Pagpasok niya ay dumiretso agad siya sa kung saan naka-display ang mga cup noodles, kumuha siya ng bulalo flavor. Pinalagyan niya ng mainit na tubig. Umupo siya sa isang upuan sa may sulok at nag-enjoy maghigop ng sabaw. Pagkatapos niyang maubos ang cup noodles ay lumabas na siya para maghanap muli ng ma-a-apply-an. Dumaan siya sa Santiago Street, kokonti lang ang tao at bihira lang dumaan ang mga sasakyan doon. Sa kanang gilid siya ng kalsada naglakad kahit walang sasakyan dahil mas mabuti na ang mag-ingat. Nang makita niya ang isang building sa may kaliwang bahagi ng kalsada ay nagmadali siyang tumawid para magpasa ng resume pero napapitlag siya dahil paglingon ko may sasakyan pala. "BOOOOOGSS!" What the heck?! May nabangga 'ata siya! Dali-dali siyang bumaba para tingnan kung ano ang nnabangga niya. Nakaka-badtrip! Nakita niyang may babaeng nakahandusay sa harapan ng kaniyang kotse. Bwiset! Two days pa lang siya, here in Manila tapos ganito pa ang sasalubong sa kaniya! "Miss!" niyugyog niya ito kasi baka sakaling magising, "Hoy, Miss!" wala eh, nahimatay talaga ito. No choice! Kailangan niya itong buhatin at ipasok sa kotse niya para madala sa hospital. Pinahiga niya ito sa back seat at pinaharurot niya na ang kotse papuntang hospital, gamit ang google map. Kung hindi lang talaga siya ang successor ng company, hindi talaga siya titira dito sa Pilipinas! At syempre, kung hindi dahil sa Mommy at Daddy niya. Sa totoo lang, mas gusto niya talaga sa France kaysa rito. Ihininto niya ang kotse niya sa harap ng hospital at bumaba para buhatin ang babaeng nabangga niya. Tsk. Ang bigat pa naman! I think, kasing bigat ng baboy. Sabi niya sa kaniyang sarili. "Nurse, emergency!" sigaw niya. Actually, gasgas lang naman ang meron sa babaeng ito. Malayo pa sa bituka, kaya hindi pa siya mamamatay. Aniya. Kinuha agad ng dalawang nurse ang emergency stretcher bed, "Pakilagay po siya rito, Sir," sabi ng isang nurse, at dali-dali nila itong pinasok sa emergency room. Umupo muna siya sa waiting area while waiting for the Doctor. "Hijo, ikaw ba ang girlfriend ng pasyente?" biglang tanong sa kaniya ng Doctor kaya napapitlag siya. "Hi...hindi po," pagtanggi niya. "Hindi ba? 'Di ba ikaw ang nagbuhat sa pasyenteng babae kanina?" kunot-noong sabi ng Doctor. "What I mean, hindi ko po girlfriend ang pasyente. Ako po ang nakabangga sa kaniya," paliwanag niya. "Ah, okay. By the way, maayos naman ang lagay ng pasyente. May konting gasgas lang sa braso, pero makakaramdam pa rin siya ng sakit ng katawan, lalong-lalo na sa parteng tuhod niya dahil nagkapasa iyon at may sugat. Pahinga ang kailangan niya at mamaya kapag nagising na siya ay pwede na siyang umuwi," saad ng Doctor. "Sige Doc. Thank you!" maikli niyang tugon sa Doctor. Binayaran niya na ang hospital bill at pagkatapos ay pumunta na siya sa room kung saan nando'n ang babaeng nabangga ng kotse niya. Pagpasok niya ng room ay mahimbing pa rin ang tulog ng babae. Umupo siya sa upuang nasa may gilid ng stretcher na hinihigaan ng babae. Masamang damo siguro ang babaeng ito kasi hindi pa natigok! Pasalamat lang siya dahil hindi ko siya tinakbuhan. Nasira ang araw ko because of this girl. I think, she's younger than me. Hmm. She's pretty but she's not my type! Ang haba ng pilik-mata niya and... Sambit niya sa isip niya. Biglang minulat ng dalaga ang mga mata nito at napatayo naman ang binata at dumistansiya ito ng konti. Gising na siya! Mabuti naman kung gano'n at nang makaalis na ako sa hospital na ito. Kung puwede lang talagang sermonan ang babaeng ito. Nakakainis! Bakit ba kasi napakagarapal niya? Hindi man lang siya nag-iingat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD