WHAT'S WRONG WITH ME?

1740 Words
“Vanya ito na ang lahat ng iyong kailangan para makapasok sa kumpanya ng CN26.” Magkakasama kaming kumakain ngayon sa kusina.  “Bakit anong propesyon ang napiling gawin ni Vanya at bakit sa kumpanya ng CN26 s’ya papasok?” Hindi pala alam ni Vlad ang tungkol sa aking propesyon ngayon.  “Journalist.” Tipid na sagot sa kanya ng asawang si Drusilla. “Seryoso sissy, journalist talaga ang napili mo. Bakit naman yun madami pang iba dyan na sakto sa personality mo.”  Makikita sa mukha ni Thana na hindi siya makapaniwala sa aking naging propesyon. Sino ba naman ang mag-aakala na ang siraulong gaya ko ay mapupunta sa pagiging journalist kung saan kailangan kong magsulat ng mga makabuluhan na paksa.   “Iyon ang trabaho ni Max Miranda.”  “Wait, sino naman si Max Miranda? Boyfriend mo ba?”  Nasapo ko ng kamay ang aking noo. Ang bilis talaga mag-isip ng aking kapatid. Ang problema lang ay mali ang iniisip nito.  “Siya ba ang biktima?” Mabuti pa si Vlad at natunugan agad ang tungkol sa lalaki. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanyang tanong. Tinakpan tuloy ni Thana ng kamay ang kanyang bibig nang mapagtanto nitong mali ang kanyang naging hula.  “Kailan ka magsisimula?” Ito ang pinakagusto ko kay Vlad dahil kahit istrikto ang lalaking bampira ay madalas mo naman siyang makikitaan ng pag-aalala at pagmamahal sa amin. Hindi gaya ni Drusilla na walang nakakaintindi sa kanyang mga reaksyon.  “Pupunta na ako ngayon sa kanilang opisina tutal naman ay nagawa na ni mommy ang aking mga kailangan.” Tumingin ako kay Drusilla at tipid na nginitian ang babae. Pagpapasalamat ko iyon dahil mabilis niyang natapos ang aking mga papel.  “Samahan na kita.” Suhestiyon ni Thana. Siguro ay walang lakad ang babaeng ito na kasama si Steve kaya sa akin niya nais sumama.  “Okay lang naman basta huwag mo ako basta iwan kapag tumawag sayo si Steve.”  Madalas kasi ay ganun ang ginagawa ng aking kapatid. Hindi nito kailanman kayang pigilan ang sarili na hindi makita ang pinakamamahal na nobyo. Sa tingin ko ay mapupunta ang dalawa sa pagiging mag-asawa dahil sa tagal na nilang magkasintahan.  Saglit akong natigilan nang muling naalala ang nangyari sa akin kahapon. Hindi ko pa rin alam ang sagot sa aking katanungan. Sino nga ba si Elena at Dave Cruz. Paano kaya sila sa aking isip. Isa pa sa gumugulo sa aking isip ay dahil tila damang-dama ko ang pangyayaring iyon. Natigil lamang ako sa pag-iisip nang marinig ang matamis na pagtawa ng aking kapatid.  “Oo naman sissy, sasabihan ko na nga agad si Steve na huwag akong tawagan dahil kasama kita. Ayoko din naman na dumating yung oras na abala ka sa iyong ginagawa at hindi na kita mahagilap.”  Ako naman ang natawa ngayon sa naging sagot ni Thana. Mahal na mahal talaga ako ng aking kapatid. Kaya naman papatunayan ko sa kanila na mabuti akong bampira at hindi ko kayang bahiran ng krimen ang pamilya Bloodrose.  “Oh ano pa ang hinihintay ninyong dalawa. Lumakad na kayo habang wala pang araw.” Pakiramdam namin ay tila itinataboy na kami ni Daddy kaya mabilis kaming kumilos ni Thana at lumabas ng bahay.  “Si Daddy talaga kahit kailan.” Nagmamaktol na wika ni Thana.  “Hayaan mo na siya. Malamang ay matutulog iyon upang palakasin ang kanyang kakayahan.” Inakbayan ko na lamang ang kapatid upang makakuha na kami ng aming masasakyan at makaalis sa tapat ng bahay.  Nakarating kami agad sa opisina ng CN26. Halos malula na naman ako dahil sa taas ng building nito. Labindalawang palapag kasi ang aming nakikita ngayon. Siguro ay dito na din nakatira ang ilan sa kanilang mga empleyado.  “Wait sissy nahihilo pa ako dahil sa ginawa natin na pagtingin dyan sa taas.” Itinuro nito ang pinakamataas na palapag ng opisina. Hinila ko na kasi ang kanyang kamay upang makapasok na kami.  “Sige bilisan mo at siguradong marami ang nagnanais na makapasok sa lugar na ito.” Sumunod naman si Thana at maya-maya lang ay siya na ang nanguna na makapasok sa lugar. Excited din ang aking kapatid na makita ang loob ng opisina na ito. Nakapasok kami agad sa loob at tama nga ang aking sinabi dahil marami ang kasalukuyan na nakapila upang makapagtrabaho sa lugar. Kilalang media chanel ang CN26 kaya hindi nakakapagtaka na marami ang magnais na mapabilang sa kanilang opisina.  “Sigurado ka na ba sa desisyon mo Vanya?” HIndi ko alam pero tila nag-aalala sa akin si Thana. Marahil ay hindi nito nais na mahirapan ako sa lugar na ito. Isa pa ay marami akong makakasalamuhang tao dito.  “Oo naman sis, huwag mo akong alalahanin.” Tinapik ko pa ang kanyang balikat.  “Paano kung malaman nila ang tungkol sa pagkatao mo?”  “Akong bahala.” Hindi ako papayag na mangyari ang bagay na yun. Malalaman ko muna kung sino ang totoong suspek bago nila malaman ang aking pagkatao.  Hindi na nagsalita si Thana dahil tiyak nitong hindi na magbabago ang aking isip. Mataman akong nagmasid sa paligid at naghanap ng pwede kong makausap upang maipasa ang aking mga papel. Saktong dumaan ang isa sa mga recruiter ng opisina na galing sa kanyang breaktime. Tumingin s’ya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Patuloy siya sa paglalakad at biglang tumigil upang muli akong lingunin. “Vanya Bloodrose?” Nagsisiguradong tanong niya sa akin kaya mabilis akong tumango biang sagot.  “Come with me.” Pagkasabi nun ay nagpatiuna siya sa paglalakad. Hinila ko si Thana na abala pa din sa pagtingin ng buong paligid. Sumunod kami sa babae na aking hiniptosimo.  Muling napanganga si Thana dahil sa opisina na aming pinasok. Napakaganda ng interior design nito at tila hindi mo na gugustuhin umuwi ng bahay. May isang malaking lamesa sa dulong bahagi. May maayos na bookshelf sa likod nito. Marahil ay doon nakalagay ang mga importanteng dokumento. May malaking couch sa gitna na napakasarap sa mata. Umupo kami ni Thana at napakalambot itong upuan.  “Allright, so you are applying to become a journalist right?”  “Yes ma’am.”  “I’m Lina and I am the head recruiter for the position you are applying for. Don’t worry, it seems that you have potential.”  “Thank you so much.”  “In this case, I’ll just go ahead and prepare your contract because you are hired.”  “My pleasure.” Tumayo na si Lina at nagtungo sa kanyang table. Binuksan nito ang maliit na drawer sa kanyang lamesa at may kinuhang mga papel. Iyon siguro ang kontrata na kailangan kong pirmahan.  “Ang galing mo talaga.” May paghanga na komento ni Thana. Kinindatan ko lang siya bilang sagot. Saglit lang at muling bumalik si Lina sa couch na inuupuan namin. Inilatag nito ang mga papeles sa coffee table at itinuro sa akin ang mga dapat kong pirmahan.  “I’m done Ms. Lina.” Inabot ko sa kanya ang mga papel. Pinirmahan ko ang lahat ng kailangan kong pirmahan. “Allright, you can already start tomorrow Ms. Vanya. Be early since you still have orientation.” “Yes, Ms. Lina. Thank you so much.” Lumabas na kami ni Thana dahil tapos na ang kailangan kong gawin sa lugar na ito ngayong araw. Makikita ang pagtataka sa mukha ni Ms. Lina nang muli ko siyang sulyapan. Wala na ang epekto ng hipnotismo at tila nagtatanong ito sa sarili kung anong nangyari.  “Tignan natin ang cafeteria.” Pagpilit sa akin ng kapatid kahit hindi naman kami kumakain sa mga ganung lugar. “Ano naman ang gagawin natin doon?”  “Gusto ko lang makita.” Hinila na ako nito dahilan upang hayaan ang kapatid sa nais gawin. Maganda ang kanilang cafeteria. Ano pa ba ang aasahan namin sa ganito kalaking opisina. Malinis din ang lugar at maayos ang mga gamit. Maging ang mga nagtatrabaho ay makikitang professional sa lahat ng kanilang mga kilos.  “Halika na.” Ako naman ang humila ngayon kay Thana dahil wala naman kaming gagawin sa lugar. Isa pa ay nag-iiba na naman ang aking pakiramdam dahil sumasakit na naman ang aking ulo.  “Ayos ka lang ba?” Tumigil ako sa paglalakad at iniling ang ulo. Batid kong hindi matatanggal ang sakit sa ginagawa kong pag-iling ngunit patuloy ko itong ginawa.  “Hey, sissy?” Hinawakan ni Thana ang magkabila kong balikat. Pinilt kong tumingin sa kanya pero lalo lang sumakit ang aking ulo dahil tila naging doble siya sa aking paningin. Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari sa akin. Napapadalas na ang ganitong pagsakit ng aking ulo. Hindi muna ako nagsalita at patuloy na pinakirandamaan ang sarili. Ayokong mag-alala ng sobra sa akin ang kapatid kaya nang medyo nawala ang nararamdaman ay inaya ko na si Thana palabas ng lugar.  “Ayos ka na ba talaga?” PInigilan pa ako nito sa ginawang paghakbang. “Oo halika na para makauwi na tayo.” Nakalabas na kami at tila nabulag ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa akin. May kakaiba akong naramdaman. May naririnig akong mabilis na takbo ng truck sa kalsada. May nakita akong bata na tatawid sa kabilang bahagi ng daan. Hindi nito napansin ang truck. Parehas silang walang atensyon sa maaaring mangyari.  HIndi ako nagdalawang isip mabilis akong kumilos at binuhat ang batang babae pabalik sa gilid ng daan. Mabuti at natunugan ni Thana ang aking gagawin kaya mabilis nitong pinigilan ang oras upang hindi kami mapansin ng mga tao. Nang mailigtas ang bata ay muling umandar ang oras. Patuloy sa mabilis na pagtakbo ang truck at walang pag-aalinlangan itong bumangga sa isang poste. Nagsisigawan ang mga taong nakakita sa nangyari.  Muling sumakit ang aking ulo. Dumagdag pa ang maingay na paligid. Umiikot din ang lahat ng aking nakikita. Mahigpit akong napahawak sa kamay ni Thana. Alam kong sobra siyang nag-aalala ngayon pero hindi ko magawang pigilan ang kung anong nararamdaman ngayon.  Pumikit ako upang hindi makita ang umiikot na paligid. Hindi ko inaasahan na lalo lang sasakit ang aking ulo dahil sa ginawa kong pagpikit. Bumalik sa aking ala-ala ang nakita kahapon. Bumangga ang truck sa akin na magiging kapalaran sana ng batang babae kanina.  “Ahhhh!” Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi sumigaw dahil sa sakit at halu-halong pangyayari na aking nakikita ngayon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD