jliahibdklandkad

1546 Words
“Vanya!”  Hindi ko na kaya ang sakit na ibinibigay ng aking mga nakikita. Sigurado na ako ngayon na ako ang may-ari ng memoryang ito. Nakikita ko na naman ang aking sarili ngunit Elena ang tawag nila sa akin. Hindi ko magawang tignan si Thana at sabihin na ayos lang ako dahil hindi iyon totoo. Malamang ay sobrang nag-aalala na sa akin ang babae.  “Elena?”  Matapos malaman ni Dave Cruz na wala sa truck ang driver ay nagpasya na din ito na iwan ako. Kasama niya ang babaeng kahalikan sa loob ng bar. Gusto kong humingi ng tulong pero alam kong hindi nila ako maririnig. Maging ako ay hindi na marinig ang sariling boses kaya malabong may makarinig sa aking dalangin.  Hindi ko gustong mamatay sa ganitong paraan. Marami pa akong nais gawin sa aking buhay. Kailangan kong makausap si Dave kung bakit niya iyon nagawa sa akin. Gusto kong magbagong buhay. Hindi ko pa nasuklian ang lahat ng ginawa sa akin ng aking mga magulang. Paano na ang aking mga pangarap.  Kailangan kong mabuhay dahil hahanapin ko ang driver ng truck upang pagbayadin sa kanyang ginawa sa akin. Hindi ba at ito ang gusto ko? Bakit halos tawagin ko na ang lahat ng santo ngayong makakawala na ako sa sakit na aking naramdaman. Ginusto ko ito pero bakit hindi ko matanggap sa sarili na mamatay na ako.  Oo, nararamdaman kong humihina ang aking paghinga at tila nawawalan ako ng hangin sa aking katawan. Unti-unting lumalabo ang aking paningin sa paligid. Hindi ko na masyadong marinig ang ingay sa bar na aking pinanggalingan. Konti na lang ay bibigay na ang aking katawan.  “Tulong.”  Gayunpaman ay nanaig pa din ang pagnanais kong mabuhay sa kabila ng lahat. Hindi ko pala kayang itapon basta ang aking buhay. Pinipigilan ko ang sarili na pumikit kahit halos magdikit na ang aking mga talukap.  “Malapit na siyang mamatay Drusilla.” Hindi ko alam kung sino ang may-ari ng boses na aking naririnig ngayon. Naaaninag ko ang kanyang mukha pero hindi ko makita ang detalye nito. Ang sigurado ako ay lalaking medyo may katandaan ang nagsalita.  “Sigurado ka ba na gusto mo siyang maging pamilya?” PInilit kong igalaw ang aking ulo upang tingnan ang kasama ng lalaki. Hindi ko din makita ang kanyang mukha pero base sa bulto nito ay tila isa siyang babae. Sa tingin ko ay mag-asawa ang dalawa. “Oo para magkaroon tayo ng tinatawag na anak at maaari na tayong makihalubilo sa mga tao.” Sagot ng lalaki sa kanyang kasama.  Hindi ko maintindihan kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Napapitlag ako ng hawakan nito ang aking mukha at ibaling ang aking leeg. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin pero pakiramdam ko ay bumabaon ang kuko nito sa aking leeg.  “T-Tulong.” Hiling ko na sana ay nandito sila upang tulungan ako. Binitawan ng lalaki ang aking leeg at mataman akong pinagmasdan. Bakit hindi pa sila kumikilos upang tulungan ako? Anong hinihintay nila? Kahit tumawag ng ambulansya ay hindi nila ginagawa.  Hindi ko na kayang pigilan pa ang aking mga talukap. Mabigat na ang mga iyon. Maging ang aking utak ay tila ayaw na din gumana. Tila pinaparamdam ng aking katawan na malapit na akong mawalan ng buhay. Konting-konti na lang.  “A-ayokong m-mamatay.” Pagkasabi ko noon ay bigla akong binuhat ng lalaki. Hindi kotiyak kung anong nangyari pero sigurado akong wala na sa kalsada ang aking katawan. Nararamdaman ko pa ang basang mga d**o na aking hinihigaan ngayon. Gayunpaman ay wala na akong pakialam doon dahil tuluyan na akong napapikit.  “Vlad, oras na!” Narinig kong sabi ng babae. Muling hinawakan ng lalaki ang aking leeg at ibinaling ang aking ulo upang hindi makasagabal sa kanyang gagawin. Walang anu-ano ay may naramdaman akong bagay na nakabaon sa aking leeg. Napaliyad ang aking katawan dahil sa kung anong ginawa sa akin ng lalaki.  “A-anong ginawa mo sa akin?” Mas masakit ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Ang aking mga ugat ay tila nagwawala sa aking katawan. May kung anong likido ang tila naglalandas sa aking kabuuan. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang sakit.  “Tinatanggap ng kanyang katawan ang iyong venom Vlad.” Muli kong narinig ang babae pero hindi ko pa din sila naiintindihan.  Biglang nanigas ang aking katawan. Tumigil na din ang nararamdaman ko kanina na paglandas ng kung anong likido sa aking mga ugat.  Ang maingay na pagtibok ng aking puso ay biglang tumahimik. Higit sa lahat ay ang biglang pagmulat ng aking mga mata at ang kakaibang lakas na aking nararamdaman ngayon.  “She’s back!” Masayang bulalas ng lalaki.  “Anong ipapangalan natin sa kanya?” Nag-iisip na tanong ni Drusilla sa kanyang asawa. “Hi, Vanya Bloodrose.” Hindi nito sinagot ang babae at sa halip ay binati ako.  “Sino kayo?” Tuluyan akong bumangon mula sa aking pagkakahiga sa malamig na damuhan. “Kami ang iyong mga magulang. Ako si Vlad at siya naman si Drusilla.” Nakangiti nitong sagot sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil wala akong matandaan. Para akong bagong silang na walang alam sa mundo. Ang tanging kilala ko lang ay ang aking mga magulang na mag-asawang Bloodrose.  “Anong nangyayari sayo sissy?” Tinapik ni Thana ang aking likod dahilan upang magising ako sa katotohanan.  “Thana umuwi na tayo.” Nagulat si Thana sa aking sinagot at sumunod na lamang sa akin.  Sa tagal ng panahon ay ngayon ko lang nalaman ang totoo tungkol sa aking pagkatao. Bakit hindi nila iyon sinabi sa akin. Bakit hinayaan nilang matuklasan ko ito sa aking sarili. Ang gusto ko lang naman ay tulungan nila akong makapunta sa hospital upang hindi ako mamatay.  Anong ginawa nila sa akin? Buong pag-aakala ko ay isa akong bampira. Oo, bampira ako ngayon pero hindi ako royal blood na gaya ng aking kapatid na si Thana. Isang normal na tao lang ako na muli nilang binuhay upang maging bampira.  Ngayon ay naiintindihan ko na kung ano ang kanilang pinag-uusapan noong nakita nila ang aking katawan na malapit ng mawalan ng buhay sa gitna ng kalsada. Wala pa si Thana nung panahon na iyon kaya ginusto nilang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng aking buhay.  Pakiramdam ko ay gusto kong maiyak sa sitwasyon ng aking buhay. Gusto kong magalit sa aking mga magulang ngunit hindi ko iyon magawa. Oo nga at gusto nilang magkaanak pero ito din ang dahilan kaya nadugtungan ang aking buhay. Hindi pala ang aking buhay ang nadugtungan dahil hindi na tumitibok ang aking puso. Sa halip ay binigyan nila ako ng pagkakataon na manatili sa mundong ito sa mas mahabang panahon.  Ipinagwalang bahala ko na ang sakit na naramdaman tungkol sa lihim ng aking pagkatao. Naalala ko ang driver na nakasagasa sa akin at hindi man lang ako nagawang tulungan. Kailangan kong pagbutihin ang aking pagiging detective dahil hindi lamang para kay Max ang aking gagawin. Gusto kong managot kung sino man ang may gawa nito sa akin. Hahanapin ko sila lalo na ang lalaking naging dahilan ng aking maagang kamatayan.  “Dave Cruz.” Hindi kita hahayaan na hindi magbayad sa ginawa mo sa akin.  Nakarating agad kami sa bahay. Tahimik lang ako habang naglalakad kaya maging si Thana ay hindi na din nagsalita. Umupo ako sa malaking couch na nasa sala. Hindi ako sigurado kung sasabihin kina Vlad at Drusilla ang tungkol sa aking natuklasan. Hindi ko naman ginusto na maalala ang tungkol sa bagay na iyon.  “Kumusta ang lakad ninyo?” Masayang bati ni Daddy nang makita kami sa sala. “Ayos naman po, magsisimula na bukas si Vanya.”  “Anong nangyari sa kanya?” Nakasunod pala si Drusilla kay daddy kaya napansin nito ang aking hitsura. “Hindi ko po alam. Bigla na lang sumakit ang kanyang ulo kanina tapos parang hindi niya alam kung anong nangyayari.” Paalis na sana si Thana upang magtungo sa kanyang kwarto nang hilahin siya ni Drusilla patungo sa kusina. “Thana may iba pa ba nangyari bago siya nagkaganun?” Saglit na nag-isip ang aking kapatid kung ano pa ang nangyari kanina.  “Hmm, may batang babae na muntik masagasaan ng malaking truck. Tama iyon nga ang nangyari bago sumakit ang kanyang ulo.” “Sandali, anong batang babae?” Napapakunot ng noo si Drusilla habang inaalam kay Thana ang buong pangyayari. “Hindi namin kilala Mom, bigla na lang sumulpot sa gitnang kalsada. Ang totoo ay nagtaka din ako sa ikinilos ni Vanya dahil nagawa nitong iligtas ang bata kahit madaming tao sa paligid.” “Ano?!” “Don’t worry Mommy, I stopped time para hindi kami mapansin ng mga tao.” “Mabuti naman kung ganun.” Nakahinga ng maluwag si Drusilla pero muling bumalik ang kakaibang ekspresyon nito sa mukha.  Tinitigan siya ni Thana.  “May alam po ba kayo sa nangyayari ngayon kay Vanya?” Maging ang kanyang mga mata ay puno ng pagtatanong.  “Siguro ay ito na ang tamang panahon upang malaman niya ang katotohanan.” Pagkasabi nun ay iniwan na nito ang nagtatakang si Thana. HIndi batid ni Drusilla na huli na sila dahil alam na ni Vanya ang totoong nangyari.  “Vlad, Vanya?” fs
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD