Makalipas ang ilang linggo ay malaki na ang tyan ko. Medyo nahihirapan na rin akong kumilos dahil pakiramdam ko ay malaking sanggol ang nasa loob ng tyan ko. "Eliha, wala ka bang gustong kainin? O pagmasdan?" Kein asked. "Wala," "Ang sungit mo ha!" "Naiirita lang ako!!!" "At bakit?!" "Ang bigat ng tyan ko. Pero hoy! Alam mo ba? Ang gusto kong pangalan niya ay Keha kapag babae at kapag lalaki naman ay-" "Keho?!" natatawang tanong niya. Hinampas ko siya sa braso. "Hindi! Kapag lalaki ay Kayan." "Ayaw mo sa Keina at Keino? Biro lang!" "Mukhang masaya kayong dalawa, ah? Mamaya ay magkakaroon tayo ng bisita," sabat ni Keg. "Sino, ama?" "Ipapatawag ko na lang kayo." Naglaho siya. "Kailangan ba na humarap ako sa bisita?" nagtatakang tanong ko. "Sa palagay ko ay depende sa sasabih

