TAGALOG GAY STORY part 2

339 Words
“Iho, huwag mo sanang sasaktan ang aming anak” ang dugtong naman ng aking Mama. Sa aming narinig ni Rommel ay labis kaming natuwa. “Mama, Papa, maraming salamat sa inyong pag-uunawa” ang bigla ko naman nasabi sa kanila. Sabay yakap ko sa kanilang dalawa. “Oh, iho, makiyakap ka na rin dito” ang paanyaya ni Papa kay Rommel. Lumuwag ang aming kalooban sa mga oras na iyon. Sumama na din sa amin sa bahay sina Mama at Papa. Kinagabihan ng araw na iyon ay nagpahanda agad si Mama ng kaunting mapagsasaluhan namin. Lingid sa aking kaalaman ay kinutsaba nina Mama si Rommel upang sunduin ang kanyang mga magulang sa probinsya. Ilang oras lang naman ang byahe mula Maynila kaya bago pa man kami maghapunan ay dumating na rin sila. Nagulat ako sa pagdating ng mga magulang ni Rommel. Noon din inamin ni Rommel na alam na ng mga magulang niya ang tungkol sa aming dalawa. Nagtapat kasi siya noon pa mang nagsimula na siyang hindi umuwi ng weekends sa kanila. Naintindihan naman nila ang kanilang anak at wala naman silang pagtutol sa aming relasyon ni Rommel. Nagkakilanlan ang aming magulang at naging masaya ang pagsasalusalo namin ng gabing iyon. Tila ba ikinasal kami ni Rommel sa harap ng aming mga magulang. Kinabukasan ay nagpaalam na rin ang mga magulang ni Rommel dahil di nila maiwanan ang koning kabuhayang naiwan sa probinsya. Si Mama at Papa naman ay nagyayang magpunta kami sa Boracay bago sila lumipad pabalik ng US. Isang lingo ang nakalipas ng bumalik sa US sina Mama at Papa. Kami naman ni Rommel ay nagpatuloy sa aming masayang relasyon. Syempre hindi naman puro tawanan at kasiyahan ang aming pagsasama. Nagkaroon pa rin kami ng hindi pagkakaintindihan at pag-aawayan. Subalit ano mang gusot na dumating sa aming samahan ay amin itong pinag-uusapan at nagpapatawaran. Sa ngayon ganap na akong doctor at inaayos lamang namin ang ma papeles ni Rommel at pupunta na rin kami sa US upang harapin ang panibagong bukas sa aming buhay. WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD