"Ikaw ha kielle! Umamin ka nga! Type mo ba si ms. Evans?" Nakangising tanong ni jacob.
"Tss." Hindi ko na pinansin ang tanong niya at dumeretso na ng lakad papuntang parking lot.
"Ikaw kasi! Bakit kailangan mo pang tanungin?" Rinig ko pang tanong ni rei.
Habang naglalakad ay sinasalubong ako ng mga estudyante ng mga pagbati nila na sinasagot ko lang ng tango, hindi ba sila nagsasawa? This is our last year in college at araw araw kong naririnig sa kanila iyan.
Pagkarating sa tapat ng sasakyan ko ay walang lingon lingon na sumakay ako sa kotse ko at binuhay ang makina bago paharurutin ng takbo, gusto ko ng makauwi agad.
Pagkababa ko ng sasakyan ay mga nagsisiyukuan ang mga katiwala na madadaanan ko, ayoko man na ginagawa nila yan pero nasanay nalang ako.
"Hi sis! How's your day?" Salubong na tanong ng nakakatanda kong kapatid.
"I have a wonderful day ate ken"
"Halata nga sa mga ngiti mo, hhmm I wonder why" mahihimigan ng pang aasar sa tono ng pananalita niya na ikinatawa ko lang.
"I think you need to take a bath first, and you owe me a story" nakangisi niyang sabi na pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan ko, napailing nalang ako sa inasta niya, sa aming magkakapatid si ate ken ang mahigpit pagdating sa kalinisan, she always want a clean and neat ika nga ng iba "Germs is her mortal enemy'
"Yeah right, gotta go!" Naiiling na sagot ko at dumeretso na sa hagdan.
Habang naglalakad sa pasilyo ay natanaw ko si ate shan na kalalabas lang ng kwarto, agad akong napangiti nang mapansin niya ako.
"Yow ate shan!" Tinignan niya lang ako at tinanguan, as usual wala nanaman reaksiyon o emosyon manlang na makikita sa mukha niya, sa aming lahat siya ang tinaguriang 'mysterious' pero siya ang pinaka sweet at caring sa amin.
Napahinto ako nang harangin niya ako at hawiin niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa mukha ko kaya lalong lumawak ang ngiti ko, see? Sweet!
"You look happy today" sabi niya na wala parin reaksiyon.
"Because I saw you"
"Tss" napangiwi ako sa naging tugon niya "Take a bath, if Kennedy sees you still not taking a bath she might pour alcohol on you"
"Hhmm," nakangiting tugon ko at dumiretso na sa kwarto ko.
Ginawa ko lang ang usual routine ko sa banyo at pagkatapos ay umupo na agad sa study table para icheck kung may homework or activity na kailangan tapusin, after that ay nag advance study lang ako ng ilang minuto bago ayusin ang sarili at tuluyan ng lumabas, dumeretso na ako sa dinning room dahil 7:50 na 8:00 dapat nasa dinning hall na kaming lahat para sabay sabay na kumain.
"Hello anak, have a seat" si mom na humalik pa sa pisngi ko, lumapit din si dad para bigyan ako ng yakap at humalik sa tuktok ng ulo ko.
Umupo na ako sa tabi ni mom, sumulyap ako sa harap ko na si ate shan na seryosong kausap ni dad maya maya lang ay tumabi na rin sa akin si ate ken.
"Nay betty, nasan na po yung kambal? Wala paba?" Tanong ni dad nang mapansin na yung kambal na kapatid namin nalang ang kulang.
"Nandiyan na hijo, kadarating lang at naliligo pa, pababa narin ang mga yun" maya maya lang ay pumasok na sila ate shin at kuya shawn ang kapatid naming kambal.
"Oh mga anak, mabuti naman at nandiyan na kayo" sinalubong ni mom ng yakap at halik ang kambal bago inakay paupo.
"Ok, before we eat, kielle lead the prayer" napasimangot ako nang ako naman ngayon ang mapansin ni ate shin, si ate shin naman ang tinaguriang 'The righteous' sa pamilya at si kuya shawn never niyang sinalungat ang kakambal niya, pinanindigan nila na kambal talaga sila.
"God thank you very much because we are together today infront of the grace you have bestowed, I am also thankful that we got home safe, I hope you will continue to guide us and you will not tired of giving blessings especially to the people who are more in need and hungry, amen."
Pagkatapos ng pasasalamat sa biyaya na nasa hapag ay nag simula na kaming kumain, maya maya lang ay nag simula na silang mag kwentuhan hanggang sa...
"Kielle, the story that you owe to me" nakangising saad sakin ni ate ken kaya napabaling sa akin ang lahat, hindi ko mapigilan mapasimangot na ikinatawa naman nila syempre maliban kay ate shan na wala parin pinagbago ang reaksiyon at kay ate shin na nakangiti lang.
"Spill it" si ate shan.
"We have a new instructor"
"And then?"
Napabuntong hininga ako nang si ate shin na ang magtanong, parang umurong ang dila ko.
"U-uh nothing, it's just that, I'm happy because we have a new instructor?"
"Eh bakit parang hindi mo makuha ang tamang isasagot mo?" Nakakunot noong tanong pa niya.
"Is there any special about your new professor to caught your attention?" Nakangising sabi ni ate ken, tsk! Halata naman na inaasar niya ako kasi nandito si ate shin.
"I think she's interested to her new professor" inosenteng sabi ni kuya shawn na ikinataas ng kilay ni ate shin, aish! Ito na nga bang sinasabi ko.
"Seriously? All of people sa isang professor pa kielle?" Taas kilay na tanong niya na ikinatawa nila.
"Hun, bata pa naman ang kapatid mo, hindi pa naman niya pinapakilala sa atin hindi ba?" Natatawang saad ni mom na ikinasimangot ko.
"Mom! It's not what you think"
"And then what baby?"
"Dad! I'm not a baby anymore!" Pagmamaktol ko na ikinatawa na naman nila, saya nila eh.
"Kahit na mom, hindi pwedeng maging magkarelasyon ang isang teacher sa estudyante niya" sagot ni ate shin kay mom na hindi pinansin ang nagtatanong na si dad.
"Eh bakit kaya hindi nalang tayo pumunta lahat sa school ng makita at makilala naman natin ang bagong professor ni kielle?"
"What!? Are you insane ate ken!?"
"Kielle!" Sabay na suway nila dad at ate shin pero si ate ken tawa lang ng tawa! Lakas talaga mang asar!
"Watch your words shie" seryosong sabi ni ate shin na ikinaiwas ko ng tingin, nagiging kamukha niya si ate shan kapag ganyan siya.
"Wag niyo na kasing asarin ang kapatid niyo" mahinahon na sabi ni mom na ikinatahimik ng lahat.
"But" basag sa katahimikan ni ate shan "Kielle never been interested like that to the others" seryoso at wala parin reaksiyon na sabi niya.
"Yup! At isa lang ibig sabihin niyan" nakangising sabi ni ate ken na tinitigan pa ako kaya napaiwas agad ako ng tingin dahil alam ko na ang sasabihin niya.
"And what is that ate ken?" Mataray na tanong ni ate shin.
"Edi ano pa ba? Type niya yung professor!" Sabi niya na tumawa pa.
"Hindi naman masamang maging kayo anak, basta mag tapos ka muna para wala ng maging problema, tutal graduating ka naman na" sabi ni dad habang pinupunasan ang gilid ng labi ni mom ng tissue.
"You don't understand"
"What do you mean anak?"
"My professor"
"What about your professor? Can you please straight to the point?" Naiinis na, na tanong ni ate shin nang hindi agad ako makasagot.
"My professor is a ................................................................... Woman" nakayuko kong sabi.
Kruuu kruuuu kruuu
Katahimikan...
1minute
2minutes
3minutes
"Ehem!" Napaangat ang ulo ko nang may tumikhim at napansin ko na lahat sila ay nakatingin lang sa akin "I think we just misinterpret what she just said, baka tama yung sinabi niya kanina na masaya siya kasi may bago na silang professor"
"Your right Kennedy, masyado kasi tayong nag jump sa mga conclusion natin" nakangiting segunda ni mom, hindi na ako sumagot at hinayaan na sila na isipin kung anong gusto nila.
Matapos kumain at makapag pahinga ay naisipan ko muna lumabas para makasagap ng sariwang hangin, pero hindi ko namalayan na malayo na pala ang nararating ko, wala akong direksiyon at kung saan nalang dalhin ng mga gulong ng sasakyan.
Wala sa sariling napangiti ako nang madaanan ko ang restobar na tinutugtugan namin, agad na bumaba ako ng sasakyan at dumeretso sa loob, bumungad agad ang iba't ibang klase ng amoy pagpasok palang pero wala akong pakialam na dumeretso sa counter.
"Beer"
"Here your order ma'am" sabi ng bartender habang parang tangang nakangiti, hindi ko siya pinansin at agad na lumagok ng beer.
"Are you alone milady?"
"Hi beautiful"
"Can I have this dance?"
Marami pa akong narinig na kumausap sakin pero ni isa wala akong nilingon o kinausap agad din naman silang umaalis kapag nakikita nilang hindi ako interesado, pero kanina ko pa nararamdamang may nagmamasid sa akin hindi ko lang pinapansin at pasimple ko lang nililibot ang paningin ko.
"Hello gorgeous" bati sa akin ng babaeng kalalapit lang sa akin sakto at nagkaroon ako ng pagkakataon para mas mailibot pa ang paningin ko sa ibang direksiyon "Why are you alone?"
"I'm not" sagot ko na pinapakiramdaman parin ang paligid at pasimpleng nililibot ang tingin.
"Really? I thought you were alone"
"I'm with you, aren't I?" Sagot ko na tinitigan siya sa mata, nakita ko ang pag kailang niya pero agad na ngumiti siya at ipinulupot ang mga braso sa leeg ko pero nawala ang atensiyon ko sa kanya nang sa wakas ay nakita ko narin ang kanina ko pa hinahapan, agad akong napangisi ng makilala kung sino ba ang kanina pang nag mamasid sa akin.
Kahit malayo ay kita ko ang masasama niyang tingin na ipinupukol sa akin kaya hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Masaya kaba na kasama ako?" Nabalik sa babaeng nakapulupot parin sa batok ko ang mga braso ang atensiyon ko nang magsalita siya, hindi ko namalayan na kasama ko pa pala ito.
"I need to go" agad na sabi ko sa kaharap ko at tinanggal ang pag kakapulupot ng braso niya sakin nang mapansin ko na tumayo na siya sa kinauupuan niya kanina at agad na sinundan siya.
Nakarating ako sa pinaka dulo ng parking lot sa kakasunod sa kanya, medyo madilim at sulok na ito kaya walang katao tao, napatakbo ako bigla nang makita ko na muntik na siyang matisod at agad siyang inalalayan.
"Are you ok?" Tanong ko na hinawakan siya sa dalawang balikat niya, napakunot ang noo niya nang lingunin niya ako.
"What are you doing here?"
"I will take you home" sabi ko na hindi pinansin ang tanong niya.
"No, kaya kong umuwi mag isa"
"You're drunk"
"I'm not! Nakainom lang ako but, I'm not drunk"
"Really? But I insist"
"Tss, bahala ka" napangiti ako dahil sa sinabi niya kaya agad ko siyang inalalayan papunta sa kotse ko.
"How about my car?"
"Don't worry, I will call someone to get your car"
Habang nasa sasakyan ay hindi ko maiwasan na mapangiti, hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya ang bait niya ngayon o mabait talaga siya? Napasulyap ako sa kanya pero nasa labas lang ang atensyon niya.
"We're here" nakangiting sabi ko sa kanya ng makita ko ang address na ibinigay niya, sa isang condominium pala siya nakatira.
"Thanks, gusto mo ba munang pumunta sa unit ko o uuwi ka na?" Tanong niya na lalong nakapagpangiti sa akin na ikinakunot ng noo niya, sasagot na sana ako pero agad na nag ring ang cellphone ko kaya agad kong tinignan kung sino ang tumatawag, napakunot ang noo ko nang makitang si ate shin ang tumatawag.
Napatingin ako sa kanya at nakita kung tumango siya kaya sinagot ko na agad "hello?"
"Where are you?" Napakunot noo ako sa bungad niya sakin.
"I'm in La Ferrera condominium"
"Do you know what time it is?" Seryosong tanong niya kaya wala sa sariling napatingin ako sa wristwatch ko.
"11:45pm" sagot ko
"Seriously kielle?" Rinig ko ang pag kainis sa tono niya at bigla nalang nag call ended kaya wala sa sariling tinitigan ko ang screen.
"I think you need to go home" napaangat ang tingin ko at nagkasalubong ang tingin namin pero agad din siyang umiwas.
"Ok, but get inside first before I leave" sabi ko na sinunod naman niya, nang masiguro ko na nakapasok na siya ay umalis na ako agad.
***