-MONICA EUNICE- Maaga kaming gumising nina Mat-mat at Vincent. Susulitin namin ang mga araw na nandito pa kami dahil magiging busy na naman kami sa mga susunod na araw. Lumabas na kami ng kuwarto at naabutan ko sina Liezel at Liza sa sala. Hindi ko napansing dumating pala sila. "Good morning, Best!" masiglang bati ni Liezel. "Good morning, Ate Eunice!" ngiting-ngiting bati ni Liza. Napakunot ang noo ko. Bakit ang saya yata nila masyado? Ano'ng meron? "Ang aga ninyo naman. Ano'ng meron?" nagtatakang tanong ko bago binaba si Mat-mat sa sofa. "Ahh, kasi gusto naming maka-bonding si Mat-mat ngayong araw. Hihiramin sana namin siya," wika ni Liezel. "Okay lang, kasama naman ako. Sasabihin ko na lang kay Vincent." Hinanap ng paningin ko kung nasaan si Vincent. Wala kasi siya sa sala.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


