-MONICA EUNICE- Masyado akong naging abala nitong mga nakaraang araw. Maraming tao lagi sa coffee shop kaya hands-on ako. Inaayos ko rin ang invitation, souvenir, at tarpaulin para sa binyag ni Mat-mat. Bumili na rin ako ng isusuot naming dalawa. Tumulong si Vincent sa pag-aasikaso ng venue para sa handaan. Siya ang naghanap ng gagamiting mga upuan at mga mesa. Nagpadala pa siya ng coordinator para sa pagde-design sa labas ng bahay. Kasalukuyan ng inaayos ang labas ng bahay namin. Nilalagyan na nila ng tabing para hindi mainitan ang mga bisita. Inimbitahan namin ang mga kapitbahay pati ang mga anak nila. Kumuha rin ng emcee at clown si Vincent. Kasalukuyan akong nasa coffee shop at tumutulong sa pagse-serve. Hinihintay ko si Vincent dahil pupuntahan namin ang catering para sa mga ihahan

