Luke What is wrong with her? Di ko mapigilang itanong yan nang paulit-ulit sa sarili ko habang tinititigan ang larawan ni Jamie. Hindi ko inakalang magagawa niya akong tanggihan. Nararamdaman kong espesyal na rin ang pagtingin niya sa akin. O baka naman yun lang ang inaakala ko. But damn, she admitted that she likes me too so what the hell is wrong with her for us to be officially be together? Hanggang ngayon ba ay duwag pa rin si Jamie? Kung si Jane lang ang problema niya then we could fight against her sister together. Hindi ko mapigilang makaramdam ng tampo kay Jamie. This is the second time that she has refused me. Pero kahit ganon, alam kong hindi ako susuko sa nararamdaman ko para sa kanya. Nakapaghintay ako ng sampung taon para sa kanya at kung kailangan ko ulit maghintay ng sam

